แชร์

Chapter 48

ผู้เขียน: Airam Anelé
last update วันที่เผยแพร่: 2026-05-02 12:00:31

Tila wala pa sa wisyo si Martin at tila hindi din n'ya alam ang kanyang ginagawa.

Namula na lang ang mukha ni Rita dahil pakiramdam n'ya ay masyado silang intimate sa isa't isa. "Oy, M-martin, ano ba?" Nang hampasin nya ang braso nito ay doon lang ito nagising.

"Rita... Goodmorning." Aniya habang pupungas-pungas pa.

"Goodmorning ka diyan. Kailan ka pa dumating at anong ginagawa mo dito sa kwarto naming mag-ina? nasaan si pia?"

Maya-maya ay may biglang kum
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Finding Love Again    Chapter 50

    Taranta nang isugod nila Roda at Rita si Sophia. "Tulungan n'yo po ang anak ko, parang awa n'yo na po. Nabundol po s'ya." Umiiyak na pakiusap ni Rita sa doktor. Makalipas ang isang oras na paghihintay nila ay lumapit ang isang nurse. "Ma'am, kailangan pong operahan si baby, pero kailangan n'yo po munang magbayad ng downpayment na 150,000." Narigia si Rita. "O-one hundred fifty thousand? W-wala po akong ganung kalaking pera." Nang masulyapan n'ya ang nakikipag-usap sa telepono na si Roda sa gilid ay nakakita s'ya ng pag-asa. Dali-dali siyang lumapit dito. "Ma'am Roda, puwede n'yo po ba akong pahiramin ng 150,000? Matatagalan bago ko po maibalik yun, pero pangako po, babayaran ko po kayo." Ngunit hindi sumagot si Roda, nakadikit ang cellphone nito sa kanyang tenga ngunit hindi naman ito nagsasalita. Namumutla din ito. "Ma'am roda?"Maya-maya ay ibinaba na ni Roda ang kanyang telepono, tila parang iiyak ang hitsura nito ngunit, may paninindigan nitong hinar

  • Finding Love Again    Chapter 49

    "Martin, ayos ka lang?" Tanong ni Rita sa kulimlim ang mukha na si Martin. Nakaalis na si timothée dahil bigla itong tinawagan sa ina-applayan niyang trabaho. "Rita, totoo ba na nanliligaw ang timothée na yun sayo?" "Um. Oo" tila nag-aalangan at nahihiya pang sagot ni Rita. "Bakit ka pumayag? Rita, may anak ka na, may anak tayo." Nagtaka si Rita. "Oo, may anak nga tayo, pero ano naman ang kinalaman nun sa pagkakaroon ko ng karelasyon? Ako pa rin naman ang ina ni Sophia, a?" "Pero... Hindi! Hindi tama. Hindi ka dapat makipagrelasyon sa iba, mali, e." "Anong mali?" Bumakas ang yamot sa mukha ni Rita. "Ikaw nga may asawa, e. Ako, magbo-boyfriend lang, bawal?" Natigilan si Martin, at hindi nakaimik. "Diyan ka na nga. Sige na, mag-aasikaso pa ako ng hapunan namin." Hindi na n'ya hinintay pang magsalita si Martin, nilayasan na n'ya ito. "Um, r-rita..." Gusto sanang kapalan ni Martin an

  • Finding Love Again    Chapter 48

    Tila wala pa sa wisyo si Martin at tila hindi din n'ya alam ang kanyang ginagawa.Namula na lang ang mukha ni Rita dahil pakiramdam n'ya ay masyado silang intimate sa isa't isa. "Oy, M-martin, ano ba?" Nang hampasin nya ang braso nito ay doon lang ito nagising."Rita... Goodmorning." Aniya habang pupungas-pungas pa. "Goodmorning ka diyan. Kailan ka pa dumating at anong ginagawa mo dito sa kwarto naming mag-ina? nasaan si pia?" Maya-maya ay may biglang kumatok. Nang pagbuksan ito ni Rita ay diri-diretsong pumasok si Sophia. "Naynay, di... ayo bi?"(Nanay, hindi tayo nagtabi?) Nang masulyapan niya ang kanyang ama sa kama ay nagalak s'ya. "Matin!" Tumakbo siya palapit dito at niyakap ito. Sinalubong din ito ng mahigpit na yakap ni Martin. "Kumusta na ang munting prinsesa ko? Alam mo anak, miss na miss ka na ni daddy. Walang araw na hindi ko ginusto ang mag-book ng plane ticket para pumunta dito." Tiningnan lang siya ng may pagtataka ng bat

  • Finding Love Again    Chapter 47

    Nang mag-celebrate ng birthday si Lara ay iilan lang sa mga katrabahong kaibigan ang inimbitahan niya, at dahil umiinom siya ay nagkaroon ng inuman. "Hindi! Hindi ako pumapayag." Tutol ni Lorna. "At kailan ka pa natutong uminom, ha? Sunog-baga ka na rin ba ngayon?" "Si mama naman, ang oa. Umiinom lang, sunog-baga na agad? Bihira lang naman akong uminom, kapag may okasyon lang. Saka birthday ko naman, e, kaya pagbigyan n'yo na ako." "Hindi! Tapos magdadala ka ng lalaki dito? Ano na lang ang magiging ayos ng bahay natin?" "Hindi po, puro babae lang naman ang inimbitahan ko, e." Bumaling ito sa nanahimik na si Rita sa mesa. May isinusulat ito sa notebook, pero nakatulala lang naman ito. "Rita, tulungan mo naman akong kumbinsihin itong si mama, o. Ang kj, e." Ngunit tila walang narinig si Rita. Nadaan din ni Lara sa pakiusapan ang ina kaya pumayag na rin ito, ngunit binigyan s'ya ng taning. Nang

  • Finding Love Again    Chapter 46

    "Sir, Mrs. Moñego invited you for dinner at the Sky Tower Hotel. 7:00 PM tonight, Sir.""Hump! Sabihin mo, hindi ako pupunta." Supladong sagot ni Martin. Inis siya ngayon sa mga Moñego dahil hindi s'ya makaalis-alis nang dahil sa mga ito.Makalipas lang ang wala pang limang minuto ay bumalik ang nag-aalinlangang assistant. "Sir, pinasabi po ni Mrs. Moñego na pupunta daw po ang Charmain ng legacy prime corporation na si Mr. Arnaiz"Naitigil ni Martin ang ginagawa. Ang chairman ng legacy prime corporation ay isa sa mga tinatarget niyang investor, plano niya sanang kausapin nang palihim ito para sa isang kooperasyon na siyang magiging unang hakbang niya para makawala na sila sa pagkakakapit ng mga Moñego sa kanila. "Sige, sabihin mo ay pupunta ako."Nang matanaw ni Martin ang investor pagdating niya sa hotel ay ibinaba na n'ya ang dipensa n'ya. Magbuhat kasi nang i-set up siya ng biyenan nyang hilaw ay nawalan na s'ya ng tiwala dito, kaya ngayon ay

  • Finding Love Again    Chapter 45

    "ANO?!! Bumalik na sila sa Ormoc? Kailan pa?" Maingay na bulalas ni Roda. Dahil hindi sinasagot ni Martin ang mga tawag niya kung kaya't pinuntahan na n'ya ito sa condo nito. "Martin!" Sinunggaban niya ang damit ng Anak. "Bakit ba hindi ka umiimik diyan? Magsalita ka nga! Bakit mo hinayaang makaalis ang ritang yun na tangay-tangay ang apo ko? Bakit hindi mo man lang sila pinigilan? Hindi ba't gusto mong magpakaama sa bata? O, e, bakit wala kang ginawa?!" Halos maghisterikal na ito na animo'y ninakawan ito ng milyon-milyong piso, halos ipagwagwagan na niya ang panganay na anak.Kinalas ni Martin ang kamay ng ina sa kanya. "At bakit ko naman sila pipigilang umalis? Alam n'yo naman siguro na mas may karapatan si Rita kay Sophia kaysa sa akin, hindi ba, dahil s'ya ang ina ng bata? Saka tama naman s'ya, sa lahat ng pagsasakripisyo niya mula sa pagbubuntis niya kay Sophia, hanggang sa pagpapalaki sa kanya, wala tayong naiambag. Kaya anong karapatan nating pigilan siya?"

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status