Agad na umirap si Cassandra at sumiksik sa dulo ng upuan nang backseat nang sumakay si Ismael. Nasa likod sila, habang si Indira na ang nagmamaneho ng dala niyang sasakyan. “Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?” tanong ni Ismael, blangko ang mukha pero halata ang pag-aalala sa boses. “Ano bang pakialam mo kung nasaktan ako o hindi?” pagsusungit ni Cassandra, hindi man lang siya nilingon. “Cassandra—” akmang aabutin ni Ismael ang kamay niya, pero mabilis siyang umiwas. “Ang bilis mo namang natapos sa kliyente mo 'sa kape',” dagdag niya, matalim ang tono. “Baka hindi pa tapos ’yun, hawakan ang kamay mo… at himasin ang balikat mo.” Sa harap, hindi napigilan ni Indira ang mahinang pagtawa habang pasulyap-sulyap sa rearview mirror. Sinamaan siya ng tingin ni Ismael. “Sabagay, mukhang gusto mo rin naman ang ginagawa niya,” dagdag ni Cassandra, may gigil sa tono. “Cassandra, hindi,” mabilis na sagot ni Ismael habang umusog palapit sa upuan niya. Doon napalingon si Cassandra kay Ismael, sal
Read more