“Severino…” malamig na sabi ni Don Marcial, iniikot ang tungkod sa kamay niya. “Hindi ko inaasahang haharang ka pa rin sa ganitong mga bagay.” Napangiti nang pagak si Severino, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Marcial,” mababa ngunit matatag ang boses niya. “Anak ko ang pinag-uusapan dito.” Ngumisi nang bahagya si Don Marcial. “Wala akong pakialam kahit anak mo pa siya. Kukunin ko ang kailangan ko sa kanya—” "Kailangan para kanino, isasakripisyo mo ang buhay ng anak ko para sa kabaliwan mo?" “Hindi ko ‘yon papayagan, Marcial.” Napailing si Severino, saka humakbang pasulong, mas hinigpitan ang hawak sa tungkod. “Hindi mo ako mapipigilan,” iniangat ni Marcial ang tungkod habang nakatitig kay Severino. “Marcial Villegas,” napailing si Severino. “Senyor. Hari ng mga transaksiyong nabubuhay sa dilim—ilegal na armas, smuggling, human trafficking, at bentahan ng mga laman-loob ng tao sa black market. Ilang buhay na ba ang ipinagpalit mo para sa kapangyarihan?” Tahimik lang si D
Read more