Sa labas ng venue, naka-park ang mga sasakyan. Tahimik—pero mabigat ang hangin. Magkahiwalay ang grupo. Sa kabilang side—Si Arsenio, si Janus… at si Divina. Sa kabila—Si Ismael, si Cassandra, at si Indira. “Pa, mauna ka na,” sabi ni Janus, inalalayan ang ama papasok sa sasakyan. “Sandali,” pigil ni Arsenio. Huminto ang lahat. Dahan-dahang tumingin si Arsenio kay Ismael. “Mag-iingat kayo sa pag-uwi… kapatid ko,” Sabi nito, may diin. May halong lihim na panunuya. “Mas mag-ingat ka sa mga ginagawa mo,” malamig na sagot ni Ismael. Bahagyang ngumiti si Arsenio. Napansin iyon ni Indira. Tahimik lang siya. Pero alam niya—may tinatago ang matanda. “Grabe…” napangisi si Janus. “Kahit sa labas, may eksena pa rin.” Lumapit ito ng kaunti. “Bye, love,” sabi nito kay Cassandra, nakangiti at kumaway. “Nice seeing you again.” Napangiwi si Cassandra. “By the way…” pahabol ni Janus, “lalo kang gumanda.” Sa isang iglap—kumilos si Ismael. Halos sugurin niya
Baca selengkapnya