Mabigat ang katahimikan sa veranda matapos makaalis sina Ismael.Sa paningin ng lahat, parang walang nangyari.Pero sa loob ni Cassandra—Para bang sasabog ang dibdib niya, hindi sa takot… kundi sa pananabik na matapos na ang lahat.Pinigilan niyang manginig ang mga kamay. Pinilit pakalmahin ang boses, gumawa ng mukhang naguguluhan at takot.At saka—Ngumiti si Arsenio.Mabagal, malapad, at puno ng pananakot.“Good girl, Cassandra,” bulong nito na parang ahas na bumubulong.“Alam mong piliin ang tama.”Mahinang tumango si Cassandra, yumuko nang kaunti para itago ang kislap sa mga mata niya.“H-hindi ko na po kayang makisama sa ganyang klaseng tao…” basag ang boses niya, parang umiiyak na halos.Sa gilid, napangisi si Janus, puno ng pangungutya.“Wow… bilis mo naman mag-move on, wifey.”Hindi siya sumagot. Nanatiling nakayuko, tila duwag, tila wala nang lakas.“Kuya Arsenio… salamat po,” halos pabulong na sabi niya.“Kung hindi niyo ako pinapunta dito… baka hindi ko pa nalaman ang toto
Baca selengkapnya