Napansin nina Abby at Marvin ang tensiyon sa pagitan nila. Agad na lumapit ang mag-asawa para pigilan ang posibleng gulo. “Ah—Kuya Martin,” bungad ni Abby, pilit na pinapagaan ang sitwasyon, “siya si Ismael… asawa ni Cassandra. Ismael, siya naman si Kuya Martin, pinsan ko.” Sa gilid— Mabilis na lumapit si Abby kay Loreto, ang pinsan nitong kanina pa nakikisawsaw sa usapan. “Halika nga dito,” mahinang sabi niya pero may diin, sabay hila rito palayo. Napalingon si Loreto kay Cassandra bago tuluyang sumunod. Hindi iyon simpleng tingin. May bahid ng panghuhusga… at kung anong hindi maipaliwanag na interes. “Anong problema mo?” bulong ni Abby habang papalayo sila. “Bakit kailangan mong magsalita ng ganon kay Cassandra? Hindi mo ba iniisip kung sino ang kaharap mo? Delikado si Ismael kapag ginalit mo,” Napakamot si Loreto, pilit na ngumiti. “Nagbibiro lang naman ako—” “Hindi nakakatawa,” putol ni Abby, seryoso. “Ayusin mo ‘yan o ako mismo ang magsasabi kay Ismael ng mga pinaggaga
Baca selengkapnya