Natakpan ni Cassandra ang bibig, pigil ang mapasigaw. Nang biglang lumingon sa gawi niya si Ismael, tumakbo siya paakyat sa silid niya at ni-lock ng maigi ang pinto. Alam niyang walang tigil ang katok nito sa labas, ngunit hindi siya nagbukas ng pintuan. Maliwanag na sa labas, mahihinang katok ang nagpagising kay Cassandra. Ayaw pa sana niyang pagbuksan si Ismael, pero walang mangyayari kung iiwasan niya ito. Binuksan niya ang pinto. "Ismael kung----" "Magandang umaga hija, ako si Manang Saning isa sa mga kasambahay, dinala ko na ang almusal mo," nakangiting bati ng isang matandang babae, marahil ay nasa singkwenta na ito, may dalang tray ng pagkain. Natigilan si Cassandra. "M-magandang umaga rin ho..salamat sa pagdala ng pagkain," atubili siyang abutin ang tray. "Walang anuman, kung may kailangan ka, nasa ibaba lang ako," nagpaalam na ang matanda. "Manang Saning, nasaan po si I-Ismael?" habol na tanong ni Cassandra. "Nasa bakahan, may manganganak kasing inahin, mamaya uuwi l
Last Updated : 2026-03-18 Read more