Pagkababa ko mula sa likod ni Kiva, agad niyang iniabot ang aking bag. “Salamat,” wika ko, sabay ngiti. Hindi naman kalayuan ang bahay namin mula sa eskwelahan, ganoon din ang bahay nina Kiva. Habang naglalakad kami, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng aming mga yapak ang maririnig sa sementadong daan. “Para namang bago sa’yo ang buhatin pauwi, a,” biro niya, sabay kindat. Napairap ako, ngunit hindi ko maitago ang bahagyang ngiti. “Anyways,” dagdag niya, biglang seryoso ang tono, “seryoso ka ba sa pagsali ng car racing?” May halong pag-aalala ang kanyang boses, at doon ako biglang napatigil. “Yeah,” sagot ko, bahagyang tumawa. “Alam mo naman, bata pa lang ako mas lamang ang mga kotse kaysa sa mga barbie doll.” Napatawa siya, ngunit hindi nawala ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. “Oo nga naman,” sagot niya, bago tuluyang nagpaalam. “Oh siya, una na ako at gabi na.” “Good night, Kiva. Inga
Dernière mise à jour : 2026-03-19 Read More