Share

Chapter 3

Auteur: Jshidry WP
last update Date de publication: 2026-03-19 14:48:53

Pagkababa ko mula sa likod ni Kiva, agad niyang iniabot ang aking bag. “Salamat,” wika ko, sabay ngiti.

Hindi naman kalayuan ang bahay namin mula sa eskwelahan, ganoon din ang bahay nina Kiva. Habang naglalakad kami, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng aming mga yapak ang maririnig sa sementadong daan.

“Para namang bago sa’yo ang buhatin pauwi, a,” biro niya, sabay kindat. Napairap ako, ngunit hindi ko maitago ang bahagyang ngiti.

“Anyways,” dagdag niya, biglang seryoso ang tono, “seryoso ka ba sa pagsali ng car racing?” May halong pag-aalala ang kanyang boses, at doon ako biglang napatigil.

“Yeah,” sagot ko, bahagyang tumawa. “Alam mo naman, bata pa lang ako mas lamang ang mga kotse kaysa sa mga barbie doll.”

Napatawa siya, ngunit hindi nawala ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. “Oo nga naman,” sagot niya, bago tuluyang nagpaalam. “Oh siya, una na ako at gabi na.”

“Good night, Kiva. Ingat pauwi,” sagot ko, sabay pasok sa gate ng aming bahay.

Pagpasok ko, bumungad agad sina Mommy at Daddy, abala sa paghahanda ng hapunan. Ang amoy ng nilulutong adobo ay kumalat sa buong kusina, nagbibigay ng init at aliw. Ngunit sa isip ko, hindi mawala ang tanong ni Kiva.

Kinabukasan, naroon ako sa garahe, nakayuko sa makina ng kotse. Ang mga kamay ko’y puno ng grasa, ngunit hindi ko alintana. Dito ako humuhugot ng lakas, dito ko inilalabas ang lahat ng passion na hindi ko masabi sa iba.

Hindi naman ako pinagbabawalan nila Mommy na bulatlatin ng bulatlatin ang kotse ko kung doon ako nagiging relax at nakakapag-isip ng maayos. Nagulat na lamang ako ng biglang lumitaw si Kiva sa aking tabi at tahimik na nakamasid. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa makintab na kotse, puno ng sticker at disenyo na sumasalamin sa aking pagkatao.

“Talayah,” wika niya, halos bulong, “paano mo nagagawa na maging ganito kaganda at kabilis ang kotse mo?”

Napangiti ako, sabay hawak sa makina. “Dito sa garahe, dito ako nagsasanay. Hindi ito madali, Kiva. Kailangan ng tiyaga, puso, at minsan… sakripisyo.”

Tanging tango lamang ang kaniyang naisagot. Hindi ko na siya pinansin pa at tinuon ko nalang ang aking atensyon sa aking ginagawang pag kukumpuni ng aking kotse. Iniwan na niya Ako dito sa garahe at pumasok sa loob ng bahay.

Ng matapos ko itong kumpunihin ay naisipan ko itong i-test drive. Sakto ding lumabas si Kiva na may dalang meryenda namin.

“Meryenda ka muna” aya nito at inilapag ang tray sa mesa at doon siya naupo at muling binuklat ang libro.

“Salamat” nakangiting wika ko tyaka naupo sa tabi niya.

“About sa Racing club sumali ako” anonsyon ko, bahagya niya akong tiningnan.

“Mabuti naman, pero mag-iingat ka ha.” paalala nito at kumuha ng isang cookie tyaka sinubo sakin.

Napansin siguro nitong madumi ang aking mga kamay kung kaya't sinubuan na lamang ako.

“Yeah, Of course. Magagalit ka kasi pag Hindi ko iningatan sarili ko” wika ko kaya parehas kaming napangiti.

Marami kaming napag-usapan habang kumakain. Ng matapos kaming kumain ay inaya ko siyang itest drive ang aking sasakyan at pumayag naman siya.

“Maliligo lang ako.” paalam ko tumango lang siya bilang sagot kaya pumasok na Ako sa bahay.

Bumangad sakin si Mom na nakaupo sa salas, kumakain habang nagbabasa.

”Mom, aalis po kami ni Kiva. Mag tetest drive lang po” paalam ko.

“Sure, basta mag-iingat okay?” wika niya tumango ako bilang sagot.

Agad akong umakyat sa aking kwarto, naligo at nagbihis ng jeans at sando na hapit na hapit sakin, sinuotan ko rin ito ng jacket upang hindi mainis sakin si Kiva. May pagka-conservative pa naman ito. Isang parehas naman ng itim na boots sa aking paahan.

Ng matapos ay agad akong bumaba at pinuntahan si Kiva na ngayon ay busy parin sa kaniyang binabasa.

“Tara na” Aya ko sa kaniya.

“Dahan lang tayo sa pagmamaneho ha. Hindi sampo ang buhay natin.” Paalala nito, tango lang ako ng tango ngunit taliwas ito sa aking iniisip.

Sumakay na ako sa driver seat habang siya ay sumakay sa shotgun seat. Binuhay ko ang aking sasakyan at inalabas sa garahe. Ng makalabas ay bumwelo lamang ako ng kanuntintyaka pinatakbo ito ng mabilis.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil mas naging mabilis ito kaysa sa nauna kong ayos.

“Dahan lang! Hindi pa ako nakapag suot ng seat belt!” Sigaw ni Kiva, napatingin ako sa kaniya at totoo nga hindi pa ito nakapag seat belt.

“Mag seat belt ka!” Sigaw ko at marahan kong pinatakbo ang kotse.

Dali-dali itong nag seatbelt. Ng tignan ko siya ay maayos na siyang nakapag seat belt ay muli kong binilisan ang aking pagmamaneho.

Kung kanina ay bahagiya itong natatatanta ngayon ay mukhang nakapag-adjust na ito. Kalmado na ito ngunit nandoon parin ang takot at kaba sa kaniyang mukha.

Nakangiti ako habang mabilis ang patakbo papunta sa isang burol dito malapit samin.

Napatingin ako ng biglang nagpatugtug si Kiva ng isang kanta, kung kaya't mas lalo akong ginanahan na mag-drive pa ng mabilis.

Ng marating namin ang lugar ay dapit hapon na, kitang kita mula rito ang ganda ng sunset. Nagiging kulay orange na ang langit dahil sa pag lubog ng araw. magkasama kaming nakaupo sa hamba ng aking kotse. Hanggang sa ang langit ay naging itim, mula rito ay tanaw ang buong syudad at kumikislap na ilaw ng gabi. Tahimik si Kiva, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanyang iniisip.

“Kiva,” wika ko, nakatingin sa malayo, “sana balang araw makita mo rin ang saya ng karera. Hindi ito para sa lahat… pero para sa akin, ito ang buhay.”

Tumingin siya sa akin, at kahit hindi pa niya ganap na nauunawaan, nakita ko ang maliit na apoy sa kanyang mga mata. Isang simula ng paglalakbay—hindi lang para sa akin, kundi para sa aming dalawa.

At sa gabing iyon, habang bumabalik kami sa kani-kaniyang mundo, isang liham ang dumating sa akin mula sa isang racing club. Nakasaad doon: “Handa ka na ba sa unang karera mo, Talayah?”

Napakagat ako ng labi. Ang puso ko’y kumabog nang mabilis. Ito na. Ang simula ng lahat.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Mafia Boss Contracted Wife   Chapter 5

    Hindi ko makakalimutan ang araw ng aking panalo sa karera—hindi lamang dahil nanalo ako, kundi dahil sa ngiting nakita ko sa mukha ni Kiva nang tumawid ako sa finish line. Mula noong araw na iyon, alam kong hindi na muling magiging pareho ang pananaw niya sa karera ng sasakyan. Ang dating pagkawalang-interes na nakikita ko sa kanya tuwing pinag-uusapan namin ang mga makina at bilis ay unti-unting napalitan ng kakaibang kuryusidad at malinaw na paghanga.Nakita ko pa nga siya noong gabi ng aking panalo, na tahimik na nagmamasid sa aking kotse habang inaayos ko ang ilang piyesa. “Talayah, ang lakas pala ng makina nito,” bulong niya, at naramdaman ko na iba na ang tono ng kanyang boses—hindi na ito puno ng pag-aalinlangan, kundi ng tunay na pagkamausisa. Binigyan ko siya ng pagkakataong hawakan ang manibela, at nakita ko kung paano kumurap ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang tibok ng makina na tumutugma sa ritmo ng kanyang puso.Sa mga sumunod na araw, hindi na ako nag-iisa sa

  • Mafia Boss Contracted Wife   Chapter 4

    Simula ng araw na iyon ng makatanggap ako ng isang mensahe galing sa isang meyembro ng club. Hindi ko siya gaanong kilala dahil sa bihira lang itong pumasok sabi ng mga kasama ko, palagi daw itong nasa guild at nakikipag karera. Naging usap-usapan din sa aming paaralan ang pagsali ko sa car racing dahil ako lamang ang nag-iisang babaeng sumali doon. Isang araw ay habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom nina Kiva ay bigla akong hinarangan ng isang lalaki. Guwapo ito, magulo ang kaniyang buhok ngunit bagay naman ito sa kaniya. Matangos ang kaniyang ilong, mapupula ang labi at maganda ang hugis ng mukha. Para siyang perpektong tao sa aking paningin. Siya na yata ang lalaking binayayaan ng ganito kagandang mukha. “Did you receive my message?” Tanong nito na siyang kinakunot ng aking noo. Gwapo nga mukhang wala namang modo. Anong silbi non. “Anong pinagsasabi mo?” Mataray na tanong ko “I sent you a mess-“Stalker ka siguro no?!” wika ko at akmang sisigaw upang maagaw a

  • Mafia Boss Contracted Wife   Chapter 3

    Pagkababa ko mula sa likod ni Kiva, agad niyang iniabot ang aking bag. “Salamat,” wika ko, sabay ngiti. Hindi naman kalayuan ang bahay namin mula sa eskwelahan, ganoon din ang bahay nina Kiva. Habang naglalakad kami, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng aming mga yapak ang maririnig sa sementadong daan. “Para namang bago sa’yo ang buhatin pauwi, a,” biro niya, sabay kindat. Napairap ako, ngunit hindi ko maitago ang bahagyang ngiti. “Anyways,” dagdag niya, biglang seryoso ang tono, “seryoso ka ba sa pagsali ng car racing?” May halong pag-aalala ang kanyang boses, at doon ako biglang napatigil. “Yeah,” sagot ko, bahagyang tumawa. “Alam mo naman, bata pa lang ako mas lamang ang mga kotse kaysa sa mga barbie doll.” Napatawa siya, ngunit hindi nawala ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. “Oo nga naman,” sagot niya, bago tuluyang nagpaalam. “Oh siya, una na ako at gabi na.” “Good night, Kiva. Inga

  • Mafia Boss Contracted Wife   Chapter 2

    "Hop in," wika nito, na siyang kinatigil ko. Anong trip nito? Hindi ko mapigilang mamula ang aking mga pisngi dahil sa kanya. Bahagya ko siyang tinulak, dahilan para mapaubos ito sa sahig."Aray! Bakit ba?" naiinis na wika nito at masama akong tinignan."Aba, lalaki! Ano bang trip mo at may pa-'hop in, hop in' ka pang nalalaman? Ano ka bang kotse?" wika ko, umiiwas ng tingin upang hindi niya mapansin ang pamumula ng aking pisngi, dahil alam kong aasarin niya ako."Hindi ba't masakit 'yang gilid mo? Piggy back ride na lang kita para makauwi tayo agad," wika nito at muling umayos ng pagkakaluhod. "Ikaw na nga itong tinutulungan, dami pang reklamo." Bahagya akong umirap, saka ako sumampa sa kanyang likod.Inayos niya muna ang aking pagkakasampa bago siya nagsimulang maglakad. Agad na umukilkil sa aking ilong ang kanyang pabango, na siyang paborito kong amuyin. Hindi na talaga ito nagpalit ng pabango kahit kailan. Tahimik lamang kami habang pauwi kami. Bigla na lamang bumalik sa aking isi

  • Mafia Boss Contracted Wife   Chapter 1

    “Hindi ka ba talaga titigil Kiva?” Naiinis na wika ko habang pinipilit na binabasa ang nakalagay sa flyer. “Bakit ba?” wika nito at inagaw ang flyer na hawak ko “Racing club? Really Talayah, kailan kapa nagkaroon ng hilig sa-Hindi natuloy ang sasabihin niya sana ng bigla siyang bumangga sa isang bully na kaklase namin, walang iba kundi ni Mark. “What the!” singhal nito at akmang mambubulyaw ngunit ng napansin nito kung sino ang bumangga sa kaniya ay napalitan ito ng pang-aasar. “Woah, Mr. Nerd” Pang-aasar nito kay Kiva na siyang kinayuko ni Kiva.“Oh shut the fuck up Mark” Inis na wika ko hinila si Kiva papalayo roon ngunit inisang hakbang lamang niya ang aming distansya at muli na siyang humarang sa harapan ko na siyang kinairita ko pa lalo.“Kalma ka lang, wala pa nga akong ginagawa eh, and can’t you see I’m soaking wet, Talayah. Would you mind?” Wika nito at may pakagat labi pa, dahil sa kaniyang sinabi ay naging agaw kami ng pansin“Hindi ka ba titigil?” Matapang na wika ko at

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status