LOGINHindi ko makakalimutan ang araw ng aking panalo sa karera—hindi lamang dahil nanalo ako, kundi dahil sa ngiting nakita ko sa mukha ni Kiva nang tumawid ako sa finish line. Mula noong araw na iyon, alam kong hindi na muling magiging pareho ang pananaw niya sa karera ng sasakyan. Ang dating pagkawalang-interes na nakikita ko sa kanya tuwing pinag-uusapan namin ang mga makina at bilis ay unti-unting napalitan ng kakaibang kuryusidad at malinaw na paghanga.
Nakita ko pa nga siya noong gabi ng aking panalo, na tahimik na nagmamasid sa aking kotse habang inaayos ko ang ilang piyesa. “Talayah, ang lakas pala ng makina nito,” bulong niya, at naramdaman ko na iba na ang tono ng kanyang boses—hindi na ito puno ng pag-aalinlangan, kundi ng tunay na pagkamausisa. Binigyan ko siya ng pagkakataong hawakan ang manibela, at nakita ko kung paano kumurap ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang tibok ng makina na tumutugma sa ritmo ng kanyang puso. Sa mga sumunod na araw, hindi na ako nag-iisa sa garahe ng aming bahay. Laging kasama ako ni Kiva, at tuwing magkasama kami, hindi siya tumitigil sa pagtatanong. “Talayah, paano mo alam kung kailan dapat magpalit ng gear?” Halata sa boses nito ang pagiging interesado at kuryusidad. “Bakit mahalaga ang bilis ng paggalaw ng gulong?” dagdag na tanong nito na siyang kinangiti ko. Akmang sasagot na sana ako ng bigla otong multing magtanong. “Paano mo napapansin agad kung may mali sa makina?” Pahabol nitong tanong. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kaniya o matatawa dahil sa kaniyang mga katanongan. “Isa-isa kang hindi ako artificial intelligence para masagot lahat ng katanungan mo” wika ko habang nakatingin sakaniya. “Lika lumapit ka rito ituturo ko sayo” wika ko, lumapit naman ito sakin kung kaya't itinuro ko sa kaniya ang tanging sakop lamang ng kaniyang katanungan. Minsan ay napapangiti ako dahil sa dami ng kanyang mga tanong, ngunit sa totoo lang, tuwang-tuwa ako na siya’y interesado na. Isang araw, dinala ko siya sa aking lola na dating mekaniko rin, at nakita ko kung paano siya tuwang-tuwa habang ikinuwento ng matanda ang mga kuwento tungkol sa mga karera noong unang panahon. Itinuro ko sa kanya kung paano basahin ang mga gauge ng sasakyan—paano basahin ang temperatura ng tubig, ang presyon ng langis, at ang bilis ng pag-ikot ng makina. Sinabi ko rin sa kanya na hindi lang basta bilis ang kailangan sa karera; mahalaga ang tamang timing sa pag-shift ng gears at lalo na ang disiplina na kailangan upang maging mahusay at ligtas na driver. Ipinakita ko pa sa kanya ang aking talaan ng mga pagsasanay at mga tala tungkol sa bawat karera na aking sinalihan—ipinakita ko na hindi lang ito tungkol sa lakas ng katawan, kundi pati na rin sa pag-iisip at paghahanda. Isang hapon, habang magkasama kaming naglalakad sa tabi ng garahe habang pinagmamasdan ko ang aking kotse na nakaparada doon, biglang nagsalita siya. “Talayah, gusto kong subukan.” Nagtaka ako muna, ngunit nakita ko ang tiyaga at determinasyon sa kanyang mga mata. “Hindi pa man ako handa mag-race, gusto kong matutunan kung paano magmaneho nang mabilis at ligtas.” Hindi ako napigilang ngumiti ng malawak. Inabot ko ang kanyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit. “Sige, tutulungan kita. Hindi madali, Kiva—maraming kailangang matutunan, mula sa tamang paghawak ng manibela hanggang sa pagbabasa ng daan. Pero kapag may passion ka, lahat ay posible.” Alam kong hindi ko dapat balewalain ang pagpapasiya niya—alam kong gaano kahirap ang landas na tatahakin niya, at gusto kong tiyakin na ibibigay ko sa kanya ang lahat ng tulong na kaya ko. Kinuha ko ang aking lumang helmet na binigay sa akin ng aking ama noong ako’y magsimula pa lang, at ibinigay ko ito sa kanya. “Ito’y para sa’yo. Simbolo ito ng pagbabago at ng bagong simula.” Mula noon, nagsimula na kami sa mga simpleng pagsasanay. Una, tinuruan ko siya sa isang maluwang at walang tao na daanan malapit sa aming bahay—isang lugar na dati kong ginagamit para sa aking sariling mga pagsasanay noong ako’y baguhan pa. Sinimulan namin sa mababang bilis, tinuturuan ko siya kung paano kontrolin ang sasakyan, kung paano tumawid sa mga kurbada nang hindi nawawalan ng balanse, at kung paano tumigil ng maayos kapag kailangan. Isang araw, habang siya’y nagmamaneho, bigla siyang tumawa ng malakas. “Talayah, nararamdaman ko na! Parang ako’y nakakalipad, pero alam kong kontrolado ko ang lahat!” Sa bawat araw na lumilipas, nakikita ko ang pag-unlad niya. Mula sa pagiging kinakabahan at hindi sigurado, unti-unti niyang nararamdaman ang saya ng bilis at ang thrill ng kontrol sa sasakyan. Minsan ay napapangiti ako habang pinapanood siyang nagmamaneho—makikita mo sa mukha niya ang kasiyahan at pagiging seryoso sa kanyang ginagawa. Isang araw, dinala ko siya sa isang mini-track sa kalapit na bayan para makita niya ang mga batang katulad niya na nagsasanay din, at nakita ko kung paano siya nagliwanag nang makipag-usap siya sa kanila at ibinahagi ang kanyang mga natutunan. Hindi pa siya handa para sa isang tunay na karera, ngunit nakikita ko na ang kanyang puso ay nagsimula nang tumibok para sa bagong mundo na ito. Sa tuwing nakikita ko si Kiva na nag-aaral at nagsasanay, hindi ako makapaniwala na ito ay ang parehong taong dati nang nagsasabing “hindi siya interesado sa ingay ng mga sasakyan.” Isang araw, dinala niya ako sa kanyang silid at ipinakita sa akin ang kanyang sariling talaan—may mga guhit ng mga sasakyan, mga tala tungkol sa mga bahagi ng makina, at mga plano para sa kanyang sariling pagsasanay. “Gusto kong sumali sa susunod na karera sa bayan,” sabi niya nang may kumpiyansa. Ang aking panalo sa karera noong nakaraan ay isang malaking bagay para sa akin, ngunit ngayon ay naiintindihan ko na mas malaki pa ang kahalagahan nito. Hindi lamang ito isang tropeyo o parangal para sa akin—ito ay naging inspirasyon para kay Kiva na lumabas sa kanyang comfort zone, tuklasin ang mga bagong bagay, at yakapin ang mga hamon ng buhay nang may tapang at determinasyon. At para sa akin, iyon ang pinakamalaking tagumpay na matatanggap ko.Matapos ng pag-uusap na iyon ay nagging palaisipan sakin ang kaniyang sinabi na kapalit. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa kaniyang sinabi. Buong gabi ay bumabagabag talaga sakin ang kaniyang sinabi, hindi talaga ako pinatulog nito. Kung kaya’t kinaumagahan ay para akong lumutang. Nasa sofa ako habang nagkakape at hinihintay si Kiva, dahil ngayon nga ang araw ng pagpirma naming ng contract ng biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon at niluwa non ang isang matipunong lalaki. Gwapo ito, may matangos na ilong, heart shaped pinkish lips, maayos ang kaniyang pagkakasuklay ng kaniyang buhok- teka, he’s so familiar. “Good morning” bati nito sakin, na siyang mas lalong kinakunot ng aking noo. His voice seems so familiar. “Oh dear, Kiva you’re here” napatingin ako sa biglang boses na nagsalita at nakita ko si Mommy na nakangiting lumapit sa lalaki, habang ang lalaki ay masayang nakipag beso kay Mommy kaya di ko mapigilang hindi mapatayo dahil sa aking nakita. K
Dalawang araw bago ang time trial, habang nagpapahinga kami sa garahe, biglang may dumating na sulat. Isang envelope na may sagisag ng isang kilalang racing team—ang Black Serpent Racing Club. Binuksan ko ito, at nagulat ako nang makita ang laman:“Talayah Kaplan,Nakita namin ang iyong potensyal sa nakaraang karera. Gusto naming imbitahan ka sa aming koponan para sa susunod na national championship. Maghihintay kami ng iyong sagot sa loob ng isang linggo.—Coach Dain Marrow, Black Serpent Racing Club”Nanlaki ang aking mga mata. Ito ay isang once-in-a-lifetime na oportunity—ngunit ano ang mangyayari kay Kiva? Paano ko siya iiwanan sa kanyang unang karera?Habang hawak-hawak ko ang sulat, nakita ko si Kiva na nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot. “Ano ‘yon?” tanong niya, nakikita ang pagbabago sa aking mukha.Hindi ko pa masagot ang tanong niya nang biglang may tumunog na engine sa labas. Lumabas kami ng garahe at nakita ang isang itim na sports car—isang Black Serpent Racing logo
Hindi ko makakalimutan ang araw ng aking panalo sa karera—hindi lamang dahil nanalo ako, kundi dahil sa ngiting nakita ko sa mukha ni Kiva nang tumawid ako sa finish line. Mula noong araw na iyon, alam kong hindi na muling magiging pareho ang pananaw niya sa karera ng sasakyan. Ang dating pagkawalang-interes na nakikita ko sa kanya tuwing pinag-uusapan namin ang mga makina at bilis ay unti-unting napalitan ng kakaibang kuryusidad at malinaw na paghanga.Nakita ko pa nga siya noong gabi ng aking panalo, na tahimik na nagmamasid sa aking kotse habang inaayos ko ang ilang piyesa. “Talayah, ang lakas pala ng makina nito,” bulong niya, at naramdaman ko na iba na ang tono ng kanyang boses—hindi na ito puno ng pag-aalinlangan, kundi ng tunay na pagkamausisa. Binigyan ko siya ng pagkakataong hawakan ang manibela, at nakita ko kung paano kumurap ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang tibok ng makina na tumutugma sa ritmo ng kanyang puso.Sa mga sumunod na araw, hindi na ako nag-iisa sa
Simula ng araw na iyon ng makatanggap ako ng isang mensahe galing sa isang meyembro ng club. Hindi ko siya gaanong kilala dahil sa bihira lang itong pumasok sabi ng mga kasama ko, palagi daw itong nasa guild at nakikipag karera. Naging usap-usapan din sa aming paaralan ang pagsali ko sa car racing dahil ako lamang ang nag-iisang babaeng sumali doon. Isang araw ay habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom nina Kiva ay bigla akong hinarangan ng isang lalaki. Guwapo ito, magulo ang kaniyang buhok ngunit bagay naman ito sa kaniya. Matangos ang kaniyang ilong, mapupula ang labi at maganda ang hugis ng mukha. Para siyang perpektong tao sa aking paningin. Siya na yata ang lalaking binayayaan ng ganito kagandang mukha. “Did you receive my message?” Tanong nito na siyang kinakunot ng aking noo. Gwapo nga mukhang wala namang modo. Anong silbi non. “Anong pinagsasabi mo?” Mataray na tanong ko “I sent you a mess-“Stalker ka siguro no?!” wika ko at akmang sisigaw upang maagaw a
Pagkababa ko mula sa likod ni Kiva, agad niyang iniabot ang aking bag. “Salamat,” wika ko, sabay ngiti. Hindi naman kalayuan ang bahay namin mula sa eskwelahan, ganoon din ang bahay nina Kiva. Habang naglalakad kami, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng aming mga yapak ang maririnig sa sementadong daan. “Para namang bago sa’yo ang buhatin pauwi, a,” biro niya, sabay kindat. Napairap ako, ngunit hindi ko maitago ang bahagyang ngiti. “Anyways,” dagdag niya, biglang seryoso ang tono, “seryoso ka ba sa pagsali ng car racing?” May halong pag-aalala ang kanyang boses, at doon ako biglang napatigil. “Yeah,” sagot ko, bahagyang tumawa. “Alam mo naman, bata pa lang ako mas lamang ang mga kotse kaysa sa mga barbie doll.” Napatawa siya, ngunit hindi nawala ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. “Oo nga naman,” sagot niya, bago tuluyang nagpaalam. “Oh siya, una na ako at gabi na.” “Good night, Kiva. Inga
"Hop in," wika nito, na siyang kinatigil ko. Anong trip nito? Hindi ko mapigilang mamula ang aking mga pisngi dahil sa kanya. Bahagya ko siyang tinulak, dahilan para mapaubos ito sa sahig."Aray! Bakit ba?" naiinis na wika nito at masama akong tinignan."Aba, lalaki! Ano bang trip mo at may pa-'hop in, hop in' ka pang nalalaman? Ano ka bang kotse?" wika ko, umiiwas ng tingin upang hindi niya mapansin ang pamumula ng aking pisngi, dahil alam kong aasarin niya ako."Hindi ba't masakit 'yang gilid mo? Piggy back ride na lang kita para makauwi tayo agad," wika nito at muling umayos ng pagkakaluhod. "Ikaw na nga itong tinutulungan, dami pang reklamo." Bahagya akong umirap, saka ako sumampa sa kanyang likod.Inayos niya muna ang aking pagkakasampa bago siya nagsimulang maglakad. Agad na umukilkil sa aking ilong ang kanyang pabango, na siyang paborito kong amuyin. Hindi na talaga ito nagpalit ng pabango kahit kailan. Tahimik lamang kami habang pauwi kami. Bigla na lamang bumalik sa aking isi







