공유

Chapter 6

작가: Jshidry WP
last update 게시일: 2026-04-03 22:49:48

Dalawang araw bago ang time trial, habang nagpapahinga kami sa garahe, biglang may dumating na sulat. Isang envelope na may sagisag ng isang kilalang racing team—ang Black Serpent Racing Club. Binuksan ko ito, at nagulat ako nang makita ang laman:

“Talayah Kaplan,

Nakita namin ang iyong potensyal sa nakaraang karera. Gusto naming imbitahan ka sa aming koponan para sa susunod na national championship. Maghihintay kami ng iyong sagot sa loob ng isang linggo.

—Coach Dain Marrow, Black Serpent Raci
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Mafia Boss Contracted Wife   Chapter 7

    Matapos ng pag-uusap na iyon ay nagging palaisipan sakin ang kaniyang sinabi na kapalit. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa kaniyang sinabi. Buong gabi ay bumabagabag talaga sakin ang kaniyang sinabi, hindi talaga ako pinatulog nito. Kung kaya’t kinaumagahan ay para akong lumutang. Nasa sofa ako habang nagkakape at hinihintay si Kiva, dahil ngayon nga ang araw ng pagpirma naming ng contract ng biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon at niluwa non ang isang matipunong lalaki. Gwapo ito, may matangos na ilong, heart shaped pinkish lips, maayos ang kaniyang pagkakasuklay ng kaniyang buhok- teka, he’s so familiar. “Good morning” bati nito sakin, na siyang mas lalong kinakunot ng aking noo. His voice seems so familiar. “Oh dear, Kiva you’re here” napatingin ako sa biglang boses na nagsalita at nakita ko si Mommy na nakangiting lumapit sa lalaki, habang ang lalaki ay masayang nakipag beso kay Mommy kaya di ko mapigilang hindi mapatayo dahil sa aking nakita. K

  • Mafia Boss Contracted Wife   Chapter 6

    Dalawang araw bago ang time trial, habang nagpapahinga kami sa garahe, biglang may dumating na sulat. Isang envelope na may sagisag ng isang kilalang racing team—ang Black Serpent Racing Club. Binuksan ko ito, at nagulat ako nang makita ang laman:“Talayah Kaplan,Nakita namin ang iyong potensyal sa nakaraang karera. Gusto naming imbitahan ka sa aming koponan para sa susunod na national championship. Maghihintay kami ng iyong sagot sa loob ng isang linggo.—Coach Dain Marrow, Black Serpent Racing Club”Nanlaki ang aking mga mata. Ito ay isang once-in-a-lifetime na oportunity—ngunit ano ang mangyayari kay Kiva? Paano ko siya iiwanan sa kanyang unang karera?Habang hawak-hawak ko ang sulat, nakita ko si Kiva na nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot. “Ano ‘yon?” tanong niya, nakikita ang pagbabago sa aking mukha.Hindi ko pa masagot ang tanong niya nang biglang may tumunog na engine sa labas. Lumabas kami ng garahe at nakita ang isang itim na sports car—isang Black Serpent Racing logo

  • Mafia Boss Contracted Wife   Chapter 5

    Hindi ko makakalimutan ang araw ng aking panalo sa karera—hindi lamang dahil nanalo ako, kundi dahil sa ngiting nakita ko sa mukha ni Kiva nang tumawid ako sa finish line. Mula noong araw na iyon, alam kong hindi na muling magiging pareho ang pananaw niya sa karera ng sasakyan. Ang dating pagkawalang-interes na nakikita ko sa kanya tuwing pinag-uusapan namin ang mga makina at bilis ay unti-unting napalitan ng kakaibang kuryusidad at malinaw na paghanga.Nakita ko pa nga siya noong gabi ng aking panalo, na tahimik na nagmamasid sa aking kotse habang inaayos ko ang ilang piyesa. “Talayah, ang lakas pala ng makina nito,” bulong niya, at naramdaman ko na iba na ang tono ng kanyang boses—hindi na ito puno ng pag-aalinlangan, kundi ng tunay na pagkamausisa. Binigyan ko siya ng pagkakataong hawakan ang manibela, at nakita ko kung paano kumurap ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang tibok ng makina na tumutugma sa ritmo ng kanyang puso.Sa mga sumunod na araw, hindi na ako nag-iisa sa

  • Mafia Boss Contracted Wife   Chapter 4

    Simula ng araw na iyon ng makatanggap ako ng isang mensahe galing sa isang meyembro ng club. Hindi ko siya gaanong kilala dahil sa bihira lang itong pumasok sabi ng mga kasama ko, palagi daw itong nasa guild at nakikipag karera. Naging usap-usapan din sa aming paaralan ang pagsali ko sa car racing dahil ako lamang ang nag-iisang babaeng sumali doon. Isang araw ay habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom nina Kiva ay bigla akong hinarangan ng isang lalaki. Guwapo ito, magulo ang kaniyang buhok ngunit bagay naman ito sa kaniya. Matangos ang kaniyang ilong, mapupula ang labi at maganda ang hugis ng mukha. Para siyang perpektong tao sa aking paningin. Siya na yata ang lalaking binayayaan ng ganito kagandang mukha. “Did you receive my message?” Tanong nito na siyang kinakunot ng aking noo. Gwapo nga mukhang wala namang modo. Anong silbi non. “Anong pinagsasabi mo?” Mataray na tanong ko “I sent you a mess-“Stalker ka siguro no?!” wika ko at akmang sisigaw upang maagaw a

  • Mafia Boss Contracted Wife   Chapter 3

    Pagkababa ko mula sa likod ni Kiva, agad niyang iniabot ang aking bag. “Salamat,” wika ko, sabay ngiti. Hindi naman kalayuan ang bahay namin mula sa eskwelahan, ganoon din ang bahay nina Kiva. Habang naglalakad kami, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng aming mga yapak ang maririnig sa sementadong daan. “Para namang bago sa’yo ang buhatin pauwi, a,” biro niya, sabay kindat. Napairap ako, ngunit hindi ko maitago ang bahagyang ngiti. “Anyways,” dagdag niya, biglang seryoso ang tono, “seryoso ka ba sa pagsali ng car racing?” May halong pag-aalala ang kanyang boses, at doon ako biglang napatigil. “Yeah,” sagot ko, bahagyang tumawa. “Alam mo naman, bata pa lang ako mas lamang ang mga kotse kaysa sa mga barbie doll.” Napatawa siya, ngunit hindi nawala ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. “Oo nga naman,” sagot niya, bago tuluyang nagpaalam. “Oh siya, una na ako at gabi na.” “Good night, Kiva. Inga

  • Mafia Boss Contracted Wife   Chapter 2

    "Hop in," wika nito, na siyang kinatigil ko. Anong trip nito? Hindi ko mapigilang mamula ang aking mga pisngi dahil sa kanya. Bahagya ko siyang tinulak, dahilan para mapaubos ito sa sahig."Aray! Bakit ba?" naiinis na wika nito at masama akong tinignan."Aba, lalaki! Ano bang trip mo at may pa-'hop in, hop in' ka pang nalalaman? Ano ka bang kotse?" wika ko, umiiwas ng tingin upang hindi niya mapansin ang pamumula ng aking pisngi, dahil alam kong aasarin niya ako."Hindi ba't masakit 'yang gilid mo? Piggy back ride na lang kita para makauwi tayo agad," wika nito at muling umayos ng pagkakaluhod. "Ikaw na nga itong tinutulungan, dami pang reklamo." Bahagya akong umirap, saka ako sumampa sa kanyang likod.Inayos niya muna ang aking pagkakasampa bago siya nagsimulang maglakad. Agad na umukilkil sa aking ilong ang kanyang pabango, na siyang paborito kong amuyin. Hindi na talaga ito nagpalit ng pabango kahit kailan. Tahimik lamang kami habang pauwi kami. Bigla na lamang bumalik sa aking isi

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status