Napasimangot si Celestine, "Ilang hakbang lang 'to, kailangan mo pa talagang ihatid..."Bago pa man siya makapagtapos magsalita, kusa nang lumapit ang lalaki, hinawakan ang kaniyang kamay, at hinila siya patungo sa pintuan.Ayaw na siyang makipagtalo ni Celestine, kaya napilitan na lang siyang sumunod nang may buong pasensya.Nang makarating sila sa pinto, akala niya ay bibitawan na siya nito. Sino bang mag-aakalang bigla siyang isinandal ng lalaking ito sa mismong door panel!"Sebastian, ikaw...""Sabihin mo sa 'kin, anong problema? Simula nung magising ako, halatang hindi na maganda ang mood mo."Isinandal siya ni Sebastian sa likod ng pinto habang inangat ng isang kamay ang kaniyang baba—sa ganitong posisyon, halatang hindi ito titigil kapag hindi siya nagsalita nang malinaw.Tinitigan siya ni Celestine nang may kaunting gulat, tsaka napuno ng napakaraming emosyon ang kaniyang mukha.Noong araw, tuwing umiiyak siya sa matinding sakit, ginagawang bulag ng taong ito ang kaniyang mga
Read more