Nang pumasok ang ganitong kaisipan sa utak niya, biglang nagising at natigilan ang diwa ni Celestine.Kahit bwisit na bwisit siya kay Sebastian Riego paminsan-minsan, never niyang inasam na magkaroon ito ng matinding kamalasan o malubhang sakit.Hello, tatay kaya 'yun ng kambal niya! At kahit wala silang anak, hindi naman siya ganoon kasama para mag-wish ng ganung katinding curse sa ibang tao.Nang kumalma na ang utak niya, narealize niyang halos ala-tres na pala ng madaling araw.Dahil sa pag-iyak, naging mabilis ang pamumula at pagbibigat ng mga mata niya, hanggang sa unti-unti na rin siyang dinapuan ng antok. Ibinaba niya ang libro, pinatay ang ilaw, at muling sumiksik sa ilalim ng kumot.Pero ang storyline sa nobelang binabasa niya ay patuloy na nagre-replay sa utak niya. Dahan-dahan, ang male lead ay nagbago ang anyo at naging si Sebastian, habang siya naman ang naging female lead.Sa panaginip niya, mahigpit silang nagyayakapan na parang ayaw nang maghiwalay pa kailanman, na par
Read more