Sa totoo lang ay madalang ng umuwi si Ruby sa bahay na iyon. Kung hindi lang siya doon hinatid ng driver ng pamilya Montefalco ay hindi siya doon tutuloy. Simula kasi noong mawala ang kanyang ina, pakiramdam niya ay nawalan na siya ng lugar sa bahay na iyon sa totoo lang. Mabilis niyang nilinis ang basag na bote sa sahig bago pa niya matapakan ito. Pagkatapos ay isinara niya ang pinto at inumpisahang maglagay ng kanyang makeup. Lumabas siya ng kanyang silid at bumaba, sa sala ay nakita niyang nakaupo sa sofa na si Amanda at ang ina nito. Ang mga mata ni Amanda ay namumula, tanda na katatapos lang nitong umiyak. Nang makita siyang pababa ng hagdan ng kanyang madrasta ay agad na napuno ng poot ang mga mata nito. “Saan ka pupunta ha?! Sa tingin mo ba ay makakaalis ka pagkatapos ng ginawa mo kay Amanda?!” sigaw nito kaagad sa kaniya.Mabilis naman siyang tumigil sa kanyang paglalakad at tinatamad na tumingin dito. “Hindi ka man lang babati? Ilang beses ka na nga lang umuwi, ganyan ka n
最終更新日 : 2026-03-21 続きを読む