LOGINTumigil lang sina Missy at Ruby nang makarating sila sa isang sulok. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Missy bago siya nito nilingon. “Nakita mo na kung paano nila ako tratuhin? Talagang hindi yata ako welcome sa pamilyang ito.” may himig ng lungkot na sabi nito sa kaniya.“Una pa lang talaga ay ayaw na nila sa akin, bakit pa kasi nila ako hinanap kung hindi rin naman pala nila ako kayang tanggapin hindi ba?” “Ano ka ba, hayaan mo sila. Huwag na nga lang silang pansinin mga panget naman sila. Hindi natin sila bati okay?” sabi niya at pagkatapos ay bahagyang pinisil ang kamay ng kaibigan niya. Tyaka hindi importante kung gusto ka nila o ayaw ka nilang tanggapin. Nandito naman ako e. Isa pa, kung ayaw niya yang cake na ginawa mo ako ang kakain. Bakit akala niya ba ay sasayangin natin yan?” Ngumiti ito sa kaniya. “Salamat talaga sayo Ruby.” nakangusong sabi nito sa kaniya at mukhang paiyak na.Matagal na rin silang magkaibigang dalawa kaya ang turing nila sa isat-isa a
Sandaling kumunot ang noo ni Missy nang marinig nito ang kanyang tanong bago muling nagsalita. “Sa palagay ko siguro ay hindi. Tyaka alam mo naman kung gaano ka-impluwensya ang mga Montefalco hindi ba? Tiyak na kahit imbitahan nila siya ay hindi siya pupunta lalo na at hindi naman basta basta ang Tito ni Ethan. Sino ba ang pamilya namin kumpara sa kanila?” Sa pagkakaalam niya ay may kaya naman ang pamilya nila Missy ngunit kung ikukumpara iyon sa yaman ng pamilya Montefalco ay walang wala ang mga ito kahit na sa kalingkingan lang ng pamilya nila Ethan.Napabuga na lamang siya ng hangin. “Ganun ba.” sagot niya na ikinatango lang nito at hindi na siya nagsalita pa. Nanatili na lamang siyang tahimik hanggang sa tuluyan na nitong matapos ang pag-aayos sa kaniya. Nang tingnan niya ang kanyang itsura sa harapan ng salamin ay halos hindi niya makilala ang sarili niya. “Grabe, kung lalaki lang talaga ako baka na-inlove na ako sayo!” bulalas ni Missy na ikinailing na lamang niya. Dahil may
Ang mga taong hindi nasanay kay Ruby ay nayayabangan sa kaniya at kwinekwestiyon ang mga desisyon niya ngunit hindiniya pinansin ang mga ito. Bukod pa doon ay pinag-laanan niya talaga ng oras na basahin ang mga project ng mga nasasakupan niya para makilala niya pa ang mga ito ng lubusan at doon nga ay nakita niya ang mga project proposal ni Vera. Masasabi niya na may talento ito at bukod pa doon, napakarami nitong ideya noong unang taon nito sa kumpanya ngunit pagkatapos lang ng isang taon ay bigla na itong naging tamad at parang wala ng pagpapahalaga pa sa trabaho nito. Kung sakali mang aprubahan niya ang mga project proposal noon ni Vera ay baka mas gumanda ang daloy ng benta at bukod pa doon ay ma acknowledge ang talentong meron ito. Nagpatuloy si Ruby sa pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa department, napakarami niyang inasikaso at halos hindi na siya magkaroon ng oras para magpahinga. Bukod pa doon ay may mga nalaman din siya na may humaharang pala sa lahat ng mga plano niya noon
Nitong mga nakaraang taon ay hindi naman ganun kataas ang sales ng kumpanya at ng mga oras nga na iyon ay napag desisyunan ni Ruby na halungkatin at tingnan ang lahat ng sales ng kumpanya nitong mga nakaraang taon. Sa totoo lang ay plano niyang palaguin ang kumpanya lalo na ngayon at medyo nasa mataas na posisyon na siya.Doon niya nalaman na kaya naman pala walang gaanong sales ang kanilang pabango ay dahil hindi na sila nakakapag palabas pa ng bagong amoy, puro na luma ang kanilang ibinebenta sa merkado. Nakapag desisyon siya na magpatawag ng isang meeting. Pagdating niya sa meeting room ay kaagad na napakunot ang noo niya nang makitang iilan lang ang mga taong naroon. “Nasan ang iba? Kayo lang ba?” kunot pa rin ang noo niyang tanong sa mga ito. Sa pagkakaalam niya, ang marketing department ay mayroong mahigit bente katao pero ng mga oras na iyon ay wala pang silang sampong nasa meeting room. Nakatayo sa isang tabi ang dating assistant ni Amanda na si Zia, ngayon pa lang ang unang
Napakuyom ng mga kamay si Amanda nang marinig niya ang sinabi ni Ruby sa kaniya ngunit hindi siya papayag na umalis katulad ng gusto nito. “Talaga ba? Anong ginawa mo para mapapirma siya? Ginamit mo ba ang katawan mo para akitin siya?” puno ng panunuya na tanong niya rito. “Alam kaya ng nobyo mo ang pakikipagkita mo sa ibang lalaki ha?” Pagkatapos lang sabihin ni Amanda ang mga iyon nang bigla na lang pulutin ni Ruby ang isang baso ng tubig na nakapatong sa kanyang mesa at mabilis na tumayo at ibinuhos sa ibabaw ng ulo nito. Tumaas ang sulok ng kanyang labi habang nakatingin dito. “Siguro naman ay sapat na ang tubig na yan para mahugasan yang utak mo at ng hindi kung ano-ano ang pumapasok sa kukote mo.” sabi niya rito.Halos mapasigaw ang babae dahil sa ginawa ni Ruby ngunit kahit na magalit pa ito ng sobra sa kaniya ay wala siyang pakialam. Deserve nito iyon at kung tutuusin ay kulang pa nga iyon. Mabilis niya itong tinalikuran at naglakad patungo sa pinto. “Saan ka pupuntang babae
Nang magising kinabukasan si Ruby ay halos hindi niya magawang bumangon dahil sobrang sakit ng katawan niya. Oo nga at sinabi niya rito na pwede siya nitong itulak o tanggihan ngunit kabaliktaran naman ang ginawa nito. Hindi niya akalain na magiging napakabangis nito. Nang halikan niya ito, akala niya ay mapapahiya siya ngunit bigla na lang nitong ipinalibot ang mga kamay sa kanyang beywang pagkatapos ay binuhat siya at pinaupo sa kandungan nito. Mabilis niya itong pinigilan, nagbabakasakali na baka itigil nito iyon ngunit mas hinalikan lang siya nito ng mariin. Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat dahil bigla na lang siya nitong ipinatong sa mesa at halos ihulog ang lahat ng nasa ibabaw nito.Bukod pa doon ay hindi lang siya nito doon inangkin kundi sa ibat-ibang bahagi ng sulok ng silid na iyon at gusto pa nga nitong buksan ang ilaw ngunit mariin niyang sinabi na huwag. Mabuti na lang at nakumbinsi niya itong huwag na lang buksan ang ilaw dahil baka mawalan ito ng gana kung sakal
Kaysa makigulo si Ruby ay dali-dali siyang lumabas ng silid. Nakuha niya na rin naman ang gusto niya kaya labas na siya sa kung anuman ang mangyayari sa pagitan ni Mr. Lozano at ng asawa nito. Dali-dali siyang nagtungo patungo sa elevator ngunit pagbukas nito ay nagulat siya nang makita ang lalakin
Napuno ng saya ang mukha ni Ruby pagkatapos pirmahan ni Mr. Lozano sa kanyang harapan ang kontrata. Mabilis niyang kinuha ito at ibinalik sa kanyang bag. “Halika rito sa tabi ko.” anyaya nito sa kaniya na puno pa rin ng pagnanasa ang mga mata. “Alam mo bang kagabi pa ako nahuhumaling sayo?” mahina
Napabuntong hininga na lamang si Ruby habang nakatingin sa labas ng restaurant kung saan ay malakas pa rin ang buhos ng ulan. Sa totoo lang ay ayaw niya naman talaga sanang sumama kay Ethan ngunit dahil nga sa mapilit ito ay napilitan lang siya at kahit na naroon na siya ay hindi siya papasok sa lo
Nang humapon ay muling sinubukan ni Ruby na tawagan si Mr. Lozano at nang mga oras na iyon sa wakas ay nag-ring na ang cellphone nito at sa sumunod na sandali ay sinagot na nito ang tawag. “Yes?” iyon ang kaagad na bumungad sa kaniya. “Oh, it's you Ruby. Bakit ka napatawag? Ayaw mo pa rin bang sumu







