"GET LOST," malamig na sabi ni Leo sa foreigner na nakaakbay kay Jasmine kanina lang.Walang salitang nanakbo ang foreigner dahil sa takot. Binalingan ni Leo si Jasmine at bahagyang lumayo dito. Natanggal ang pagkakaangla ng kamay ni Jasmine sa braso niya."Ano bang pinaggagagawa mo, Jasmine?" mariing tanong ni Leo kay Jasmine."Ano? Sa akin ka nagagalit ngayon?" balik din ni Jasmine."Jasmine, alam mong mali ang ginawa mo! Bakit--""Bakit ka ganiyan? Talagang ako ang sinisisi mo? Kung hindi ko ginawa ang ginawa ko kanina, malamang nagpakasasa ka na kay Hyacinth ngayon!"Laglag ang panga ni Leo, hindi makapaniwala sa sinabi ni Jasmine. Napailing na lang siya sa dissapointment."Hindi mo kasi dapat ininom iyon! Maling mali iyon, Jasmine!"Taas noo pa rin si Jasmine, hindi pa rin natitinag. "Alam ko! At kung may pagkakataon ako ulit na gawin iyon, gagawin ko! Dahil kung mag eenjoy kang kasama ang Hyacinth na iyon, mag eenjoy na rin ako sa ibang lalaki!" asik pa nito.Nandilim lalo ang e
Last Updated : 2026-04-03 Read more