HALATANG NATIGILAN ang manager. Syempre, ayaw niya sa ideyang gusto ni Romeo ng mas bata. Pero bago pa man din ito makapagsalita, bumukas bigla ang pintuan ng VIP room at iniluwa no'n si Hyacinth.Nagulat ang manager sa presenya nito pero agad din namang nakabawi. "Oh. Hello, pretty girl. Bakit ka naparito?" tanong pa ni Hyacinth. Namangha siya sa ganda ni Hyacinth at naisip niyang baka pwede ito para kay Romeo. Pero inignora siya ni Hyacinth at seryosong napatingin kay Romeo. "Ibalik mo na 'yung isang milyon na ibinigay sa iyo ni Leo," saad nito.Ngumisi si Romeo matapos no'n. Mas lalo lang nainis si Hyacinth sa loob loob niya dahil parang naeentertained pa si Romeo sa presenya niya."Wow. Hindi ko inaasahan na pupunta ka dito, Hyacinth," nakangising sambit ni Romeo."Ibalik mo sabi ang pera, eh," mas mariing saad pa ni Hyacinth.Napahagalpak ng tawa si Romeo. "At bakit ko naman gagawin iyon? Ibinigay na ito ng asawa mo. Isipin mo na lang, kabayaran ito sa pagpapalaki ko sa iyo kaya
Last Updated : 2026-05-08 Read more