BLIND DATE, huh?Malamig ang ekspresyon ni Leo matapos marinig iyon. Hindi mabasa ni Hyacinth kung ano ang tumatakbo sa isip ng lalaki. Patuloy lang ito sa ginagawang pagtanggal ng pagkakabutones ng dress shirt.Nadistract lang si Hyacinth nang tumunog ang phone niya. May message ulit si Annika. Naka voice message ulit at automatic na nagplay ang mga iyon."Sis, may sinend akong pic! Check mo, baka tipo mo 'tong lalaki. Weightlifter siya at pak! May eight pack abs! At ang sarap mamahinga sa mamasel niyang braso, oh!""At ito naman, medyo shy type pero cute naman! Parang kayang kaya mo siyang pasundin sa lahat ng gusto mo! Ano? Keribells ba?""Itong isa, businessman. Hottie rin sa eyeglasses niya, oh! Medyo cold nga lang tingnan pero 'wag ka! 'Yung mga ganitong dominant, handang handang luhuran ang babaeng gusto, sabi nila!""Ano na, Hya? Ang dami na niyan, ah? Pili ka na diyan!"Parang sumakit bigla ang ulo ni Hyacinth sa mga pinagsesend ni Annika. Pero nang mabalingan niya ng tingin
Last Updated : 2026-04-06 Read more