"HINDI MALABO IYAN! Baka mamaya, Misis Cantavieja na ang tawag natin dito kay Jasmine," dagdag pa ng isang businessman.Pati sina Carla at Ronaldo ay nakitawa na rin. Syempre, tuwang tuwa sila sa papuri kay Jasmine. At isa pang dahilan kung bakit nakikijoin din sa katuwaan si Ronaldo dahil hindi gaanong maganda ang kinalabasan ng proposal niya nung nakaraan. Kailangan niyang maipakita sa mga businessman doon na nasa side siya ng mga ito.Tumango tango si Ronaldo. "Tama kayo diyan, Mr. Marasigan, Mr. Casañas. Anyway, enjoy kayo dito party. Magpapakuha ulit ako ng drinks para sa inyo," anito sa mga businessmen.Ngumiti si Mr. Marasigan. "Sure, sure! At oo nga pala, pakisend ulit 'yung proposal mo, ah? Pag usapan natin iyan ulit," anito at bahagyang humalakhak pa.Nagulat si Ronaldo doon pero hindi niya gaanong ipinahalata. Rejected kasi 'yung proposal niya pero ngayon, nagpapakita na si Mr. Marasigan ng interest. Hindi niya maiwasang matuwa sa loob loob niya."Sure, Mr. Marasigan. Thank
Last Updated : 2026-04-30 Read more