เข้าสู่ระบบHINDI PA TULUYANG GUMAGALING ANG kamay ni Leo. May benda ito dahil tuluyan ng natahi ang sugat niya doon.Sa kabilang kamay niya ay hawak niya ang phone at napaisip na lang. Alam niyang sa buong linggo, nasa ospital lang si Hyacinth at inaalagaan si Rui. Sa isang linggong iyon, hindi niya iniwan ang lalaki doon."Leo? Hindi mo ba ako narinig? Dalhin mo si Hyacinth ngayong gabi, ah? Doon na kayo magdinner."Doon lang naalala ni Leo na kausap pa pala niya ang kaniyang Lola sa phone. "Okay po, 'La," sagot niya sa matanda.Sa gabing iyon, bumalik na si Leo sa family house nila. Sinalubong siya ng kaniyang Lola na masayang masayang makita siya. Ngunit ang sayang iyon ay napawi nang may mapagtanto."Bakit mag isa ka, Leo? Nasaan si Hyacinth?" tanong ni Lola Elizabeth."'La, mukhang busy po si Hyacinth sa school. Kung namimiss niyo siya, pwede niyo naman po siyang tawagan at kayo na lang ang mag imbita sa kaniya na pumunta dito," sagot ni Leo, hindi maiwasang malungkot din para sa Lola dahil
MABIGAT ANG ATMOSPHERE doon. Mabuti na lang at bumukas na ang OR at iniluwa no'n ang doktor na nagperform ng operation kay Rui."Doc, kumusta na po siya?" agad na tanong ni Hyacinth sa kalalabas lang na doktor."Naging successful ang surgery. And we hope na gigising din siya within the next 48 hours," balita ng doktor.Nakahinga ng maluwag si Hyacinth. Mabuti na lang at maayos na ang lagay ni Rui. Nakita niya ang pagkakabaon ng kutsilyo sa lalaki at sa tantsa niya, wala namang vital organs na natamaan. At ngayong narinig iyon mismo sa doktor, mas lalo lang naginhawaan ng nararamdaman si Hyacinth.Kasi kung may nangyaring masama kay Rui, talagang habambuhay niyang dadalhin ang guilt na iyon sa isip at puso niya.Ilang saglit lang, inilapas na si Rui sa OR. Inilipat na ito sa isa sa mga VIP rooms ng ospital kaya naman mabilis na sumunod si Hyacinth. Nang makapasok siya sa kwarto, hindi na niya tinapunan pa ng pansin sina Jasmine at Leo.Kumapit si Jasmine sa braso ni Leo. "Nakita mo na,
TAKOT NA TAKOT SI HYACINTH. Lahat ng nakikita niya ngayon sa paligid niya ay nagpanginig sa kalamnan niya. Pero dahil na rin siguro sa gulat, hindi na niya nasundan ang nangyari nang biglang dumating si Rui.Kagagaling lang nito sa sasakyan niya nang nakita si Hyacinth na sinusugod ng mga lalaki. Hindi na nag isip pa si Rui at mabilis itong pinuntahan.Ngunit sa kaisipang iligtas ito, hindi niya namalayan ang isang susugod sa kaniya na may kutsilyo. Tumarak iyon sa kaniyang dibdib."Rui!" sigaw ni Hyacinth nang may kasamang pagsinghap.Mabilis ang mga nangyari. Nagkahiwalay sila ni Leo at sinubukan din nitong lumapit pero ang tangi na lang nitong nagawa ay ang sundan ng tingin si Rui na bumagsak mismo sa harapan ni Hyacinth.Sinipa ni Leo ang dalawang lalaking susugod din sa kaniya. At ilang saglit lang, dumating na si Mila kasama ang madaming bodyguards. Sa wakas, nakontrol na rin ang gulo.Agad na napalibutan si Hawk at ang mga alipores nito. Nahuli na rin sila kaagad dahil napapal
HINDI MAKAPANIWALANG TININGNAN ni Hyacinth si Leo na sinalubong din naman ang tingin niya."Bakit? Hindi mo kayang gawin iyan ng mag isa, Hyacinth? Bakit kailangan pang may ibang gumawa niyan para sa iyo?" tanong pa ni Leo.Pakiramdam ni Hyacinth napahiya siya doon ng todo. Agad naman siyang pinagtanggol ni Rui."Leo, ano bang klaseng tanong iyan?" si Rui, parang hindi na rin makapagtimpi. "Ako naman ang nag offer ng tulong kay Hyacinth kaya bakit siya ang parang inaaway mo?"Malamig pa rin ang tingin ni Leo pero ang tinging iyon ay hindi nilulubayan si Hyacinth. "Wala. Ang akin lang, may kamay naman siya. Hayaan mo siyang patuyuin ang buhok niya ng mag isa."Parang kumapal bigla ang atmosphere sa buong kwarto. Kinuha ni Hyacinth ang hairdryer para sana siya na ang gumawa no'n para sa sarili niya pero pinigilan siya ni Rui at binalingan pa si Leo."Alam mo, Leo, hindi ko magets kung anong problema mo ngayong gabi."Nagkatitigan na ang dalawang lalaki, tila walang gustong sumuko na lan
"BALIW KA BA, LEO? LUMABAS KA NGA!" muling asik ni Hyacinth sa lalaki at tinalikuran ito.Ngunit hindi man lang natinag si Leo. Lumapit pa ito at isinara ang pintuan sa likod nito. Mas lalo lang kinabahan si Hyacinth."Lumabas ka na sabi, eh. Kundi sisigaw ako ng tulong," panakot pa ni Hyacinth sa lalaki.Tila wala namang epekto iyon kay Leo. Mukha pa rin itong unbothered. "Sige lang. Sumigaw ka," sabi pa nito at ngumisi pa ng nakakaloko. "Papaniwalaan ka kaya nila?"Hindi makapaniwalang tiningnan ni Hyacinth ang lalaki. Bakit naman kasi bigla na lang itong pumasok sa banyo? Dahil ba sa itinatago ni Hyacinth kanina sa likuran? Pero kung titingnan ni Hyacinth ang lalaki ngayon, parang may ibang motibo pa ito kung bakit bigla na lang pumasok."Ano ba kasing ipinunta mo dito?" tanong ni Hyacinth sa lalaki. Bumaba ang tingin ni Leo sa mga items na itinago kanina ni Hyacinth. "Isuot mo iyon," utos nito.Laglag na lang talaga ang panga ni Hyacinth sa gustong mangyari ng lalaki. Kung titing
NANG TULUYANG UMALIS SINA Hyacinth at Rui, napairap na lang si Lira."Halata namang nagsisinungaling ang Hyacinth na iyon! Siguradong may bumili no'n sa kaniya!" sabi ni Lira.Lumabas na si Leo sa tinataguan nito at mabilis itong nilapitan ni Jasmine. Agad itong yumakap sa braso nito. "Leo, sa iisang suite magsstay sina Rui at Hyacinth ngayong gabi. Sa tingin mo, seryoso na talaga sila?" tanong pa nito."Mukhang gano'n na nga! Talagang nasilo ng babaeng iyon si Rui, ah!" sabat ni Lira.Pasikretong pinanuod ni Jasmine ang reaksyon ni Leo. Wala pa rin namang mababasang ekspresyon sa mukha nito. Pero ramdam niya ang lamig ng tingin nito habang patuloy ang himutok ni Lira."Hindi ko talaga magets kung anong nakita ni Rui sa kaniya, eh!"Magpapatuloy pa sana sa pagsasalita si Lira pero binalingan siya ni Leo at binigyan ng tila isang warning look. Kumalma naman din ang lalaki pero hindi naman sapat para matahimik ang diwa na lang ni Lira.Bumalik na rin sila sa mga kani kanilang mga room.







