HINDI PA MAN nakakasagot si Hyacinth, may katulong biglang lumapit."Ma'am Hyacinth, may padala po sa inyo," saad ng katulong.Kinuha ni Hyacinth ang box. "Ah, salamat. Pero kanino po galing?" takhang tanong niya."Ah... sa tatay niyo po," sagot nito.Natigilan si Hyacinth. Si Romeo na naman kasi. Hindi maganda ang pakiramdam niya rito, ibang iba kay Lola Elizabeth na ngiting ngiti pa talaga."Oh, may regalo siya sa iyo? Buksan mo na, Hyacinth!" naeexcite pa na sambit ng matanda.Kahit na may pag aalinglangan, nakaramdam din naman ng pagiging kyuryuso si Hyacinth. Kaya naman binuksan niya rin ang box.Nakapaloob doon ang ilang mga litratong nakunan sa kaniya noong bata pa siya nang wala siyang kaalam alam. Pagkakita iyon ni Hyacinth, parang bumabaliktad na ang sikmura niya.Hindi iyon maituturing na regalo kagaya ng sinasabi ni Lola Elizabeth. Ibinigay iyon kay Hyacinth para... takutin siya. At ang nakakainis, epektibo ang planong iyon ni Romeo."Ano iyang ibinigay niya sa iyo? Pweden
Last Updated : 2026-05-11 Read more