Dasha POVTahimik sa hapagkainan. Nandito na si Elco, napabalik ko siya sa bahay kahit ang saya-saya ko na dapat kasi uuwi na siya.Parehong basa ang buhok namin.“Heto pa ang pakbet, Elco, kumain ka ng marami,” sabi ni Nanay Susie sa kaniya.“Bakit ang unti ng ulam mo, Dasha?” tanong naman ni papa sa akin.“Kaunti lang ang kakainin ko dahil busog pa talaga ako,” sagot ko.Parang walang nangyari. Parang kanina lang ay nagsisigawan na ang lahat, pero ang ending, heto, kalmado na kaming naghahapunan ngayon.“Dasha, naipasok mo ba ‘yung halaman mong nabili kanina. Ang lakas pa ng ulan oh,” sabi ni Elco na feeling close na naman. Pero nung ipaalala niya iyon ay napatayo ako bigla. Hindi pa naman puwedeng mabasa ang mga iyon dahil malulunod, puro succulents pa naman iyon.“Teka-teka, don’t worry, naisilong ko na. Ayon sa may sala, doon ko nilagay,” pigil ni Elco sa akin habang nakangiti.“See, mabait naman itong pinsan mo. Ikaw lang talaga ang maldita,” sita pa tuloy sa akin ni Nanay Susie
Last Updated : 2026-04-01 Read more