Elco POVPawisan, pagod at uhaw na uhaw ako. Kakatapos lang naming mag-basketball, malapit na kasi ang mismong liga. pag-uwi ko sa bahay, nagulat ako dahil nasa garden si Dasha, abala sa pagdidilig ng mga halaman niya.Huminto ako doon. “Maaga ka atang umuwi ngayon, Cousin?”Napalingon siya sa akin habang may hawak na watering can. “Maagang natapos ang work sa flower shop, kaya maagang nakauwi.”“Kaya pala, sige, pasok na muna ako, kailangan kong maglinis at magpalit ng damit dahil pawis na pawis kasi ako dahil sa paglalaro ng basketball,” paalam ko sa kaniya. Tumango lang siya at saka tinuloy ang ginagawa niya.Pagpasok ko sa loob, nakita kong abala na sina Tito Darwin at Tita Susie sa paghahanda ng dinner.“Aba, mukhang nag-enjoy ka sa basketball mo ah, pawis na pawis ka, Elco,” bati sa akin ni Tito Darwin. Inabutan tuloy agad ako ni Tita Susie ng isang basong tubig. Tamang-tama, uhaw na uhaw na rin talaga ako.“Hindi ko po kasi nagagawa ito sa city noon, work at pag-aaral lang ako
Last Updated : 2026-04-23 Read more