Dasha POVAfter ng prusisyon ay pagod na pagod ako. Hinatid na rin ako ni Ryuji sa bahay namin dahil maging siya ay sumakit daw ang papa sa haba nang prusisyon. Buong baranggay Poblacion kasi ay inikot ba naman namin, kaya talagang sasakit ang mga paa. Sabagay, kaya nga sinabing panata ay kailangan may kasamang pagsasakripisyo. At iyon ang ginawa namin ngayong buong maghapon. Nag-ayos ng karo ng poon at saka nagprusisyon. Sa ginawa ko, sana naman ay mabawas-bawasan ang kasalanang nagawa ko.Lalo na ang malaking kasalanan na nagawa namin ni Elco. Kasalanang kailanman ay tila hindi ko na makakalimutan.“Salamat, Ryuji, pahinga ka na rin, pagod na pagod ang paa ko ngayon, sulit ang panata natin ngayong miyerkules santo,” sabi ko sa kaniya nung mahatid na niya ako rito sa gate ng bahay namin.“Okay, sleep well, Dasha,” sagot naman niya sa akin.Pag-alis niya ay pumasok na rin ako sa loob. Pagdating ko sa garden, nagulat ako dahil nandoon sina Ivy at Elco. “Uy, Dasha, nandito ka na pala,”
Last Updated : 2026-04-08 Read more