NAGING madilim naman ang ekspresyon ni Vincent habang nakasunod ng tingin sa dalawang taong papalayo. Anong ibig sabihin nito? May gusto ba si Jasmine sa boss nito o ang boss nito ang may gusto kay Jasmine? Hindi niya alam kung ano ang sagot doon pero isang hindi maipaliwanag na galit ang umusbong sa kanyang dibdib, habang nakasunod ng tingin sa mga ito.Samantala, sa loob ng sasakyan ay may malamig na hangin. Pareho sila ni Nathan na may malamig na ekspresyon. “Ihatid mo na ako.” ngunit ni hindi man lang siya nito nilingon.“Sabihin mo nga sa akin ang totoo, anong relasyon niyo ni Ivan?” ang boses nito ay maamig at nang lumingon ito sa kaniya ay kitang-kita niya ang napakadilim nitong mga mata.Nag-iwas siya ng tingin. “Wala.” sagot niya na totoo naman.“Ganun ba, so hahayaan ko muna siyang nakakulong sa ngayon kahit na ilang araw lang.” sabi nito na ikinapanlaki niya ng mga mata. Nilingon niya ito.“Mas maganda kung hindi na siya makalabas!” sagot niya dahil problema lang din naman
Ler mais