PERO masisisi niya nga ba ito kung sabihin nito iyon? Totoo namang gwapo ito at tiyak na lahat ng babae ay gustong mapalapit dito. Pero naiinis pa rin siya. “Sa tingin niyo ba talaga ay gusto kayo ng lahat ng babae rito?” may pununuya sa boses niya.Nagdilim ang mukha nito ngunit hindi pa man ito nakakasagot ng bigla na lang may isang babaeng lumapit sa kanila. Hindi ito nakatingin sa kaniya kundi kay Nathan. Ang mga mata nito ay puno ng pag-asa. “Mr. Cruz, pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?” malambing at malanding tanong nito.Ni hindi naman ito sinulyapan ni Nathan. “Hindi pwede.” bago siya nito nilingon habang pinanlalakihan ng mata. Alam niya na kaagad kung anong ibig sabihin nito, gawin mo ang trabaho mo.“Pero Mr. Cruz, alam mo ba na—” bago pa ito matapos sa sinasabi ay humakbang si Jasmine.“Miss, sorry pero wala sa mood makipag-usap ang boss ko.” sabi niya rito.Mabilis na tumalikod ang babae ngunit nanatili ang mga mata nito sa kanya na halos isumpa na siya bago
Ler mais