PAGKASAKAY ni Jeddah sa sasakyan ay kaagad niyang tinawagan si Jace. “may ginagawa ka ba ngayon? Kailangan ko ng tulong mo. handa akong magbayad kahit na—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lang siya nitong pinutol sa pagsasalita.“Wala, busy ako.” at pagkasabi lang nito iyon ay pinatayan na siya nito ng tawag. Napakunot ang noo ni Jeddah at hindi makapaniwalang napatitig sa kanyang cellphone. Talaga bang tinatanggihan na siya nitong tulungan ngayon?Muli niyang tinawagan ang isa pa ngunit pareho lang ang sagot ng mga ito. Ayaw ba nilang magkaroon ng pera? Talaga bang tinatanggihan na nila ngayon ang grasya?Napasimangot na lang siya at pagkatapos ay itinago ang kanyang cellphone. Hindi nagtagal ay tuluyan nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng napakataas na gusali ng kumpanya ng mga Villanueva. Tuloy-tuloy siyang pumasok at sinabi niya sa front desk ang sadya niya at hind nagtagal, sinamahan na siya ng isa sa mga staff patungo sa pinakamataas na palapag ng g
Ler mais