PAGDATING ni Jasmine sa kumpanya ay bigla na lang siyang sinalubong ni SAlly. Ang mukha nito ay puno ng interes habang nakatingin sa kaniya. “Hay naku, mukhang may masesermunan na naman.” sabi nito sa kaniya. Isa lang ang ibig sabihin nun, malamang na badtrip na naman ang boss nila. Napa buntong hininga na lang siya nwa la sa oras.Ano na naman kaya ang problema ng lalaking iyon? Ilang sandali pa ay bigla na lang napatingin si Sally sa kamay niya kung saan ay suot niya ang bracelet na regalo sa kaniya ni Jeddah. Nanlaki ang mga mata nito. “Yang bracelet na suot, yan ba ang bigay sayo ng isa mong manliligaw dati?”Natigilan si Jasmine at napatingin dito. Napakunot ang kanyang noo. Ilang sandali pa ay muli itong nagtanong. “So may plano ka bang sagutin siya?”“Huh?” tanong ni Jasmine at itinaas ang kanyang kamay. “Ito ba? Hindi ah. Ito ang bigay sa akin ni Jeddah.” sagot niya rito bago naglakad patungo sa kanyang mesa at binuksan ang drawer niya. Sa loob ay naroon ang bracelet na regalo
Ler mais