Lumipas ang isang linggo, at bumalik na sa dati ang takbo ng araw ko.Ngayon, papasok na akong muli sa eskwela matapos ang isang linggong home schooling. Kahit paano, naghilom na rin ang mga sugat ko—pisikal man o emosyonal.Nakatingin ako sa salamin, suot ang puting uniporme, nang maramdaman ang mga bisig ni Asmodeus na bigla na lang yumakap mula sa likod.Kahit pilit ko siyang pakisamahan bilang asawa, hindi ko maiwasang mapakislot sa mga ganitong biglaang kilos niya—isang halo ng kaba, sorpresa, at hindi maipaliwanag na damdamin.Pareho kaming nakatingin sa salamin, nagkakatitigan. Wala akong mabasa sa kanyang mga mata—blangko, malamig.Tipid akong ngumiti, ngunit hindi siya ngumiti pabalik. Dahan-dahan niya akong pinaharap at hinawakan ang pisngi ko bago ako halikan. Ilang segundo rin iyon bago niya idinikit ang noo niya sa noo ko.“Don’t give me another reason to get angry at you, Zamara. Understand?” paalala niya, mariin at malamig.“O-oo…” mahina kong sagot, nakahawak pa rin sa
Read more