"Zamara, sino'ng susundo sa'yo?" tanong ni Mika sa akin habang kami'y naglalakad palabas ng building ng eskwelahan."B-baka si Kuya Roberto... 'yung driver," sagot ko, medyo alanganin."Ah, ganun ba..." sagot niya, halatang may kaunting pagkadismaya. "Akala ko si Asmodues."Napakunot ako ng noo. Dahil hindi ko gusto kung si Asmodues ang susundo sa akin.Paglabas ko, nakita ko agad si Kuya Roberto. Nagpaalam ako kay Mika-sakto namang dumating si Hendrix."Zamara," tawag niya sa akin kaya agad akong napalingon.Tumingin siya sa kotse, tapos kay Kuya Roberto, saka muling bumaling sa akin."Ingat ka. Eto para sa'yo."May inabot siyang milk tea na medyo alanganin ko pang tinanggap."S-salamat, Hendrix..." ani ko sabay ngiti."Ay, bakit ako wala? Ang daya mo talaga, Hendrix!" biro ni Mika kay Hendrix.Nginitian lang siya ni Hendrix, saka bumalik sa motor niya at umalis.Nagpaalam na kami ni Mika sa isa't isa. Binuksan ko na ang kotse, pero nagulat ako nang makita kong nandoon pala si Miss J
Dernière mise à jour : 2026-04-06 Read More