Se connecterNagkulong si Ysabella sa kaniyang kuwarto. Kahit kinatok na siya ni Aling Juvie dahil nakahanda na ang hapunan ay hindi siya lumabas. Naghintay siya na gumabi na talaga tsaka lumabas. Sigurado siyang nagpapahinga na si Aling Juvie. At wala ng taong kailangan niyang pakiharapan.Nasa pasilyo siya nang marinig niya ang malakas na ungol mula sa isang kuwarto. At hindi na siya manghuhula pa kung kanino galing iyon. Kilala na niya at sanay na siya sa ganoon.Daniel always likes this when he is sick. Nagdedeliryo ito."Huwag po! Huwag po!" sigaw na narinig niya. Parang batang nagmamakaawa. Batang naghahanap ng kalinga."Mama! Papa! Please save me! Save me!"Gusto niyang ignorahin iyon. O baka naroon naman sa loob si Aling Juvie. "Sisilip lang ako," ika niya.Dahan dahan niyang binuksan ang pinto sa kuwarto ni Daniel. Sa dim light ay naaninag niya ang pabiling-biling na lalake.Lumapit siya ng dahan-dahan."Ysa, stay...stay..."Napalunok siyang kumuyom ang kamao. Ngayon, tinatawag naman siy
Nanatiling mulat si Ysabella magdamag. Halos ayaw niyang matulog. Paano kung pasukin siya ni Daniel doon kahit pa ni lock niya ang pinto. Kilala niya ito. Nakagagawa ito ng paraan kapag ginusto nito.Kung may tulog man siya, mga dalawang oras lang iyon. Kaya sa umagang iyon ay hikab siya ng hikab. Kinatok siya ng katulong ni Daniel na si Aling Juvie kaya nagising siya."Misis, nakahanda na ang umagahan," sabi nito. Parang robot lang na inutusan. Nakaprogram ang gagawin.Hindi na siya nagmamatigas pa. Bumaba siya agad sa kaniyang kama at nagpunta sa banyo para maghanda ng sarili. Kagabi, para hindi makatulog ay nagawa niyang halungkatin ang buong kuwarto. Doon niya nakitang handa na ang mga kagamitan para sa kaniya. Mula sa mga simpleng damit hanggang sa ilang mga mamahalin na gowns.Gaya kagabi, walang Daniel sa hapag. Hindi niya ito nakita simula pa kahapon.."Nasa trabaho na siguro," sabi sa isip niya. Well, dahil wala ito ay puwede siyang maglibot sa buong bahay at sa paligid. Doo
"Bitiwan mo ako, Daniel! Ano ba!" Nagpupumiglas at halos mamaos na sa kakasigaw si Ysabella habang karga siya ni Daniel. Sinubukan niyang tumakbo pero nahuli siya nito. Nabitiwan nito ang payong kung kaya pareho silang basa sa ulan. Puno ng frustration ang bawat sigaw niya. Pinagpapalo niya ang likuran nito pero walang nagawa iyon. Mabilis at walang kahirap-hirap siya nitong naipasok sa loob ng sasakyan. "Drive Nando," utos ni Daniel sa driver na kanina pa naghihintay. Kanina pa sila naroon sa sementeryo ng amo. Talagang naghintay sila roon. Ilang araw na rin na nakabantay siya roon dahil inaasahan nilang isang araw, mahahanap ni Ysabella ang sementeryo. Nataon na sa araw na iyon ay sumama sa kaniya si Daniel."Saan tayo boss Daniel," tanong ni Nando habang nagmamaneho. "To my house.""Walang hiya ka, Daniel! Pakawalan mo ako!"Pumikit si Daniel at hindi inalintana ang pagwawala ni Ysabella sa loob ng bahay. Hindi pa maayos ang kaniyang pakiramdam at ngayon ay naulanan pa. Pagkar
Nanginginig si Ysabella habang nakatanaw sa malayo. Pinuntahan niya ang private cemetery na pinaglagakan sa labi ng ina. At batay sa pagsisiyasat niya, kinakailangan niya ng pag-apruba ng may ari ng lupa para mabisita niya ang ina. Kailangan niya rin ng papeles para patunayan na siya ang tunay na anak at may karapatan sa labi nito. Pero hindi niya alam kung anong trick ang ginawa ni Daniel. Maybe it's a trap pero hindi na siya makapag-isip ng mabuti. Abot kamay na niya ang ina. Ngayon pa ba siya titigil? Kung kinakailangan niyang paganahin ang perang naipon ay gagawin niya.May security post sa may gate. May dalawang security guard na naroon para magbantay. Dala ni Ysabella ang perang pwedeng ipangsulsol sa mga ito para makita niya ang ina. Sa isang kamay, hawak niya ang bulaklak na paborito nito at sa bulsa ng itim na jacket ay kandila at lighter. Handang handa na siya. Ilang araw din niyang binalak ang pagpunta roon.Kipkip niya ang sobre nang lumapit siya sa post. Inayos niya ang
"Belle, may nagpapasabi..."Binulungan si Belle ng tauhan ni Miss Bianca. Namilog ang mga mata niya. Hindi makapaniwala.Kumabog ang puso niya. Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya alam kung magpapatuloy pa ba siya sa pagsayaw gayong maliit na ang mundo sa kanila ni Daniel.Pero kailangan niya ng pera. Nakapag-ipon na siya pero kulang pa. Para tuluyang makalaya, mas malaking halaga ang kailangan niya.Kailangan na lamang niyang mag-ingat. Hindi pa naman alam ni Daniel na siya ang babaeng nakamaskara. Tama, wala pa itong alam. Dahil kung meron, nahuli na sana siya nito.Bago siya sumayaw ay sumilip muna siya kung naroon muli si Daniel. Nakahinga siya nang maluwag nang wala ito. Natapos ang sayaw niya na hindi mabigat ang pakiramdam. Baka nagawi lamang si Daniel sa araw na iyon.Sa ilang araw na schedule ni Ysabella sa pagsayaw, walang Daniel na nagpakita. Kaya nakakasiguro si Ysabella na nataon lang talaga na naroon ang lalake.Kaya ang balak niyang pag-alis sa club na iyon ay
Sa labas ng kuwarto ni Lilay, naroon sila Benjamin at Kaye. Nakaupo si Kaye sa bench samantalang nakatayo naman si Benjamin. Nakasandig ang likod nito sa pader. Magkalapit lamang sila kaya kahit halos pabulong na salita ay magkakarinigan sila. Isa pa, ayaw nilang makaistorbo sa ibang mga pasyente. Kaya pinili nilang mag-usap na hindi nagsisigawan."Hindi ka ba nakukunsensiya Benjamin. Ano pa bang kailangan mo sa amin?"Lumingon si Benjamin kay Kaye. Nakatingala ito sa kaniya. Ang mga mata ay puno ng poot. Hindi niya masisisi ang babae Naging mapait ang kapalaran sa kanila. Hindi maganda ang naging takbo ng kanilang pagsasama noon. Batid niyang matatagalan bago siya mapatawad ni Kaye. Pero hindi muna mahalaga ang kapatawaran nito. Ang importante ay ang anak nila."Ililipat ko si Lilay sa hospital namin..."Napatayo si Kaye. "Ayaw ko!" Matigas niyang saad. Hindi malakas pero sapat ang diin para ipaintindi kay Benjamin na hindi siya makakapayag. Marahas pa siyang umiling. "Wala kang
"Grabe, walang puwedeng itapon sa mga amo natin. Ang suwerte ni Miss Charlotte, pareho niyang napagsilbihan ang magkapatid."Hindi mapigilan ni Charlotte ang mapangiti dahil sa narinig na usap-usapan. Pinag-uusapan ng mga empleyado ang pagdating ni Raj. Pero siyempre, naging bida siyang muli dahil
Sa gabing iyon, lahat pagkukunwari. Magkasama man sila Ysabella at Daniel pero peke ang kasiyahan sa mga mukha nila. They looks sweet but behind that sweetness is an emotional coaster ride. Lalo na kay Ysabella. Si Raj, kunwaring walang pakialam pero nasasaktan sa nakikita. Kahit anong pilit niyan
The supposed peaceful dinner became a restless one. Kahit wala naman nangyayari. Wala naman ginagawa si Daniel para sirain ang kanilang gabi. Pero sa presensiya pa lamang nito at ni Charlotte ay sirang sira na ang gabi ni Ysabella.Kung kanina ay nagawa niyang tumawa at magdaldal ng kung ano-ano sa
"Ysabella, did you ever think about the job offer Daniel proposed to you?"Nagulat si Ysabella sa tanong na iyon mula kay Raj. Nasa porch sila at nagkakape. Siya lang dapat pero hindi niya inaasahang naroon pa ang lalake. Akala niya ay umalis na ito kanina pa.Humigop siya ng kape niya at hindi it







