ANMELDEN"Belle, may nagpapasabi..."Binulungan si Belle ng tauhan ni Miss Bianca. Namilog ang mga mata niya. Hindi makapaniwala.Kumabog ang puso niya. Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya alam kung magpapatuloy pa ba siya sa pagsayaw gayong maliit na ang mundo sa kanila ni Daniel.Pero kailangan niya ng pera. Nakapag-ipon na siya pero kulang pa. Para tuluyang makalaya, mas malaking halaga ang kailangan niya.Kailangan na lamang niyang mag-ingat. Hindi pa naman alam ni Daniel na siya ang babaeng nakamaskara. Tama, wala pa itong alam. Dahil kung meron, nahuli na sana siya nito.Bago siya sumayaw ay sumilip muna siya kung naroon muli si Daniel. Nakahinga siya nang maluwag nang wala ito. Natapos ang sayaw niya na hindi mabigat ang pakiramdam. Baka nagawi lamang si Daniel sa araw na iyon.Sa ilang araw na schedule ni Ysabella sa pagsayaw, walang Daniel na nagpakita. Kaya nakakasiguro si Ysabella na nataon lang talaga na naroon ang lalake.Kaya ang balak niyang pag-alis sa club na iyon ay
Sa labas ng kuwarto ni Lilay, naroon sila Benjamin at Kaye. Nakaupo si Kaye sa bench samantalang nakatayo naman si Benjamin. Nakasandig ang likod nito sa pader. Magkalapit lamang sila kaya kahit halos pabulong na salita ay magkakarinigan sila. Isa pa, ayaw nilang makaistorbo sa ibang mga pasyente. Kaya pinili nilang mag-usap na hindi nagsisigawan."Hindi ka ba nakukunsensiya Benjamin. Ano pa bang kailangan mo sa amin?"Lumingon si Benjamin kay Kaye. Nakatingala ito sa kaniya. Ang mga mata ay puno ng poot. Hindi niya masisisi ang babae Naging mapait ang kapalaran sa kanila. Hindi maganda ang naging takbo ng kanilang pagsasama noon. Batid niyang matatagalan bago siya mapatawad ni Kaye. Pero hindi muna mahalaga ang kapatawaran nito. Ang importante ay ang anak nila."Ililipat ko si Lilay sa hospital namin..."Napatayo si Kaye. "Ayaw ko!" Matigas niyang saad. Hindi malakas pero sapat ang diin para ipaintindi kay Benjamin na hindi siya makakapayag. Marahas pa siyang umiling. "Wala kang
Kumunot ang noo ni Marco nang makita ang pagbagsak ng dancer sa stage. Naisip niyang paano kinahumalingan ng mga naroon ang babae kung ganoong kalampa ito. Pero ang babae ay muling gumalaw. Mula sa pagkakasalampak nito sa sahig ay gumalaw ang mga kamay nito. Ang bawat pilantik ng daliri nito ay nakakabighani. Nasa ritmo. Muli itong tumayo. Sumayaw sa saliw ng tugtog. Nabura ang nangyari kanina. Naging bahagi na lamang ng sayaw ang pagbagsak niya.Hindi alam ni Ysabella kung paano niya natapos ang kaniyang sayaw. Sa bawat galaw niya, ramdam niya ang mabigat na titig na sumusunod sa kaniya. Sanay siya sa mga titig ng mga panauhin. Pero iba ang mga titig na ipinupukol sa kaniya ni Daniel.Buti sana kung namalikmata lamang siya. Pero hindi. Si Daniel talaga ang lalakeng nasa harapan. Maliit talaga ang mundo sa kanilang dalawa. Pinagtatagpo sila ng kapalaran kahit iwasan niya.Pagkatapos ng kaniyang sayaw ay nagmamadali siyang umalis sa entablado. Hindi na niya kayang tumagal pa sa apo
Nakatitig si Benjamin sa kuha ng cctv sa loob ng hospital. Hindi niya alam kung anong mararamdaman dahil hindi lang si Kaye ang nahanap niya kundi ang hinahanap rin ng kaniyang kaibigan na si Daniel.Si Ysabella. Hindi siya maaaring magkamali. Kahit pa halos itago ng babae ang sarili sa pamamagitan ng sumbrero at maikling buhok ay nakilala pa rin niya ito. Kung paano nagkakilala si Kaye at Ysabella ay kailangan niyang alamin.Sa ngayon, ang pinagdadalawang isipan niya ay kung sasabihin ba niya kay Daniel ang nalaman."Not yet..." sabi niya sa sarili. He has time. Sa ngayon ay may gusto muna siyang alamin.Mas importante. Mas nangangailangan ng agarang aksyon.Tinawagan niya ang doctor na tumitingin kay Lilay."I want a specimen from Lilay. Yes, as soon as possible, then send it to me. A hair will do."Hindi na niya kailangang gawin iyon dahil sigurado siya at ramdam niya sa sarili.Pero batid din niyang itatanggi ni Kaye ang katotohanan kaya mas mabuting may hawak siyang ebidensiya.
"Sorry, napatagal ako. Binili ko pa ang gamot sa botika sa kabilang bayan. Wala na sila sa malapit na drugstore," paliwanag ni Kaye noong dumating. Humahangos pa ito na parang hinabol ng ilang kalabaw. Nagmamadali din talaga siya dahil kailangan ang gamot na iyon kinabukasan. "Lilay, may dala si Mama."Lumiwanag ang mukha ni Lilay at sumilay ang malawak na ngiti. Itinaas ni Kaye ang paborito niyang pagkain. Isang bucket ng fried chicken at spaghetti ng isang sikat na fast food.Si Ysabella ay lumapit kay Kaye para kunin ang dala nito. Inilapag niya iyon sa table bago muling harapin ang kaibigan."Kaye, hindi na ako magtatagal pa. Hinintay lang talaga kitang dumating."Nagtaka si Kaye. "Bakit? May problema ba?" tanong niya dahil sa nakikitang pagkatuliro ng kaibigan.Umiling ito. Ramdam niyang may itinatago si Ysabella. Pero inintindi niya ito at hindi na gustong ungkatin pa dito anuman iyon."Kumuha ka ng share mo sa pagkain na dala ko. Mag-ingat ka sa pag-uwi."Tumango si Ysabella.
"Belle, puwedeng ikaw muna ang bahala kay Lilay, bibilhin ko lamamg ang gamot na inireseta ng doctor."Tumango si Ysabella kay Kaye nang magpaalam ito. Kagagaling lamang ng neurosurgeon ni Lilay at may iniresetang gamot. Kinakailangan nito iyon para magstabilize ang kondisyon lalo at nasa risk na ang bata.Lilay has a tumor on her brain. At habang pinapatagal ang kailangang operasyon ay nanganganib ang buhay nito. Kaya tinutulungan na rin ni Ysabella si Kaye para makaipon ng salapi para sa operasyon nito."Take your time. Akong bahala kay Lilay," sabi pa niya sabay kindat kay Lilay na napangiti sa kaniya."Salamat Belle. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka. Hulog ka ng langit sa aming mag-ina."She dismissed her right away."Malaki rin ang tulong na ginagawa mo sa akin, Kaye. Kaya huwag mong isipin iyon..." sabi niya.Halos ilang libingan na rin sa Manila ang napuntahan nito para magtanong. Risky pero kailangan niyang mahanap ang kaniyang ina. Bago siya tuluyang maglaho







