Nananatiling nakatitig si Antonette sa puting papel na hawak niya.Check the archived file — 2019 Project ORION.Parang may malamig na hanging dumaan sa buong katawan niya.Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila may kung anong humihila sa kanya patungo sa pangalang iyon.Project ORION.Pamilyar.Napakapamilyar.Ngunit sa tuwing pilit niyang inaalala kung saan niya iyon unang narinig, parang may makapal na ulap na humaharang sa bawat alaala.Mariin siyang napapikit.Kasabay niyon ang ilang putol-putol na imahe.Isang conference room.Mga projector na nakabukas.Ilang lalaking nakasuot ng itim na suit.At isang boses..."...Only selected personnel will handle ORION."Mabilis siyang napadilat.Napahawak siya sa sentido."Bakit..." mahina niyang usal.Bago pa siya tuluyang makapag-isip, tumunog ang telepono sa mesa.Nagulat siya.Mabilis niya iyong sinagot."Good morning, Executive Office.""Antonette."Agad niyang nakilala ang boses.Si Gabby."Please come to my office.""Yes, Sir."Mat
อ่านเพิ่มเติม