Tumahimik ito. Medyo matagal siya nitong tinitigan. Saka biglang tumalikod si Carlo. Na parang wala lang, at parang walang nangyari. “Follow me.” At naglakad ito papasok sa opisina nito. Naiwan siya na ang puso niya, hindi pa rin kuma-kalma. At habang sinusundan niya ito, parang naramdaman niya pa rin ang bakas ng titig nito. Pagpasok nila sa loob ng opisina, agad itong naupo sa upuan nito, na bumalik sa dati nitong cold, distant, unreadable aura. Habang si Sheena ay nakatayo pa rin, tahimik at hawak ang tablet. “Start,” utos nito ng hindi man lang tumitingin sa kanya. Napapikit siya saglit. Then nagsalita, one by one. --- Tanghali nang yayain ni Mia si Sheena na kumain. Napangiti si Sheena. “Salamat, Mia.” Magkatabing umupo ang dalawa sa cafeteria. Habang kumakain, hindi napigilan ni Sheena na mapabuntong-hininga. “Grabe pala ang boss natin.” Natawa si Mia. “Ngayon mo lang nalaman?” “Hindi man lang ngumingiti.” “Normal iyon.” “Normal?” Tumango si Mia. “
Read more