ilang saglit na hindi agad kumilos si Carlo nang makaalis si Missy.. Nakatayo lamang siya sa dulo ng hallway, tahimik, ngunit malinaw na may nakita. Hindi niya narinig ang buong usapan. Pero para sa kanya naiintindihan niya ang ibig sabihin ng distansya, ang body language, at ang paraan ng paglapit ni Missy kay Sheena para mabuo ang konteksto. At hindi niya iyon nagustuhan. Sa kabilang panig, nanatiling nakatayo si Sheena. Hindi siya lumingon. Hindi rin siya umalis doon. Ngunit ramdam niya. Hindi man niya makita, alam niyang may nakatingin. Huminga siya ng marahan bago tuluyang umayos ang tindig. Paglingon niya, doon niya nakita si Carlo. Lumapit ito sa kanya. “Sir, magandang araw po” Simpleng bati niya. Pinagmasdan siya nito. “Everything okay?” tanong nito, Saglit na nag-pause si Sheena bago sumagot. “Yes, sir.” “Missy talked to you.” Hindi iyon tanong. Tahimik na tumango si Sheena. “Yes.” “About work?” Sandaling katahimikan. “Partly.” Doon bahagyang nagbago a
最終更新日 : 2026-05-02 続きを読む