Nang dumating si Ruby sa Sanchez Media Corporation, marami na ang empleyadong abala sa kani-kanilang trabaho.Maaga pa lamang ay puno na ang lobby ng mga taong nagmamadali. May mga empleyadong may hawak na folders habang mabilis na naglalakad papunta sa kani-kanilang department. Ang ilan naman ay abala sa kanilang mga cellphone, marahil ay chine-check ang kanilang mga emails o schedule para sa buong araw.Tahimik na pumasok si Ruby sa glass door ng opisina.“Good morning!”Napangiti siya sa receptionist bago dumiretso sa elevator.“Good morning,” magiliw na sagot ng receptionist.Pagpasok ni Ruby sa elevator, bahagya siyang napabuntong-hininga. Tulad ng dati, alam niyang magiging mahaba na naman ang araw niya. Marami siyang kailangang asikasuhin at siguradong hindi siya makakaupo nang matagal.Pagbukas ng elevator sa kanilang floor, agad niyang nakita ang pamilyar na mukha.“Ruby!”Napalingon siya.“Ellen!”Lumapit agad sa kanya ang kaibigan at niyakap siya.“Late ka na naman ng three
Read more