Scarlett’s POVMabilis na bumalik sa normal ang buhay namin pagkatapos makalabas ni Mama ng ospital. Nakakapagtinda na ulit siya ng hipon sa palengke, at tuwing weekend, tinutulungan ko siya sa pwesto. Paminsan-minsan dumadalaw si Sebastian—kahit busy sa school, hindi nagpapahalata ng pagod. Tahimik lang siyang tumutulong magbuhat, mag-ayos ng paninda, at minsan, nagdadala pa ng kape para kay Mama.Isang umaga, habang nagtatali ako ng plastic ng hipon, dumaan si Sir Calisto—professor ko ngayon sa Research. Formal ang suot, mukhang papasok na rin sa university.“Good morning, Scarlett,” bati niya, propesyonal ang tono. “May hipon pa ba?”“Meron pa po, Sir. Ilang kilo po?” sagot ko, na-conscious kasi teacher ko pa rin siya.“Five kilos, please. May handaan sa department,” sagot niya, parang may paligoy-ligoy pero ramdam ko ang observant niyang tingin.Tahimik lang si Mama, sanay na siguro sa mga bumibili. Pagkaabot ko ng hipon at sukli, hindi na nagtagal si Sir Calisto, pero mula noon,
Last Updated : 2026-05-08 Read more