Sebastian’s POVIsang linggo na. Isang linggo na mula noong pinatawag si Scarlett sa Academic Office. Akala ko, lilipas lang ‘yon—na babalik din agad sa dati. Pero maling akala pala.Napansin ko agad ang pagbabago. Kapag may ibang tao, normal lang si Scarlett—masayahin, professional, palaging handa. Pero kapag kami na lang, parang may invisible wall na biglang tumayo sa pagitan namin. Oo, nag-uusap pa rin kami tungkol sa klase, lesson plans, at students, pero tuwing sinusubukan kong maging sweet, o kapag nagbibiro ako na parang dati, lagi siyang umiilag.Kanina lang, nagdala ako ng paborito niyang milk tea sa office. “Oh, para sa’yo ‘to, Miss Laurent. Pang-energize,” sabay ngiti.Ngumiti siya, pero mabilis lang, parang pilit. “Thank you, Sir. Pero busog pa ako, mamaya ko na lang iinumin.”Sinubukan kong magkwento, yung mga inside joke naming dalawa, pero tawa lang siya sandali, tapos babalik agad sa lesson plan. Kapag sinusubukan kong hawakan ang kamay niya—kunwari’y may ituturo ako s
Last Updated : 2026-05-11 Read more