Habang naglalakad ako sa hallway palabas ng St. Margarett, mabilis akong nag-type ng reply kay Sir Calisto, pilit na simple lang:“Thank you po, Sir. Will send revisions soon.”Ayokong magpakita ng kahit anong encouragement, pero ayokong maging rude. Sana, tumigil na siya.Pagdating ko sa parking lot, nakita ko agad ang familiar na kotse ni Sebastian. Nakaupo siya sa loob, one hand on the wheel, nakangiti at mukhang relaxed. Pagbukas ko ng pinto, agad niyang inabot ang kamay ko, parang automatic na.“Hey, musta class?” tanong niya, sabay abot ng malamig na tubig.“Okay lang naman, medyo nakakapagod pero natapos din. Ikaw, tagal mong naghintay?” pilit kong nilihis ang usapan.“Hindi naman, enjoy nga maghintay kapag alam kong ikaw ‘yung darating.” Ngumiti siya, ‘yung tipong bihira—puno ng saya at pagmamahal, walang halong selos o gulo.Habang papunta kami sa condo niya, nagkwentuhan kami ng random—tungkol sa traffic, sa balak niyang bagong recipe, sa latest chismis sa faculty. Pinipilit
Last Updated : 2026-05-15 Read more