Hindi ko na alam kung ilang saglit kaming magkahinang ang labi at katawan, basta ang alam ko, unti-unti kong nakakalimutan ang lahat ng takot at sakit. Para kaming sumasayaw sa hangin—walang ibang ingay kundi ang malalim naming paghinga, ang mga bulong ng “mahal kita,” at ang tunog ng mga pusong matagal na nauhaw sa ganitong yakap.Sa bawat haplos niya, bawat mainit na halik sa balat ko, naramdaman ko kung gaano niya ako na-miss—hindi lang bilang kasintahan, kundi bilang kabiyak ng kaluluwa. Bawat galaw niya, puno ng malasakit at pagnanasa, pero laging may tanong sa mga mata niya, laging may pahintulot. At bawat sagot ko, bawat pagyakap pabalik, sinasabi kong “Oo, Seb. Lahat ng ito, gusto ko. Kailangan ko.”Naramdaman ko ang kamay niyang gumagala sa likod ko, pababa sa baywang, hinihila akong palapit hanggang magdikit ang mga dibdib namin, nag-aalab sa init at pagmamahal. “Scar, hindi ko kayang mawala ka,” bulong niya habang hinahalikan ako sa balikat, sa leeg, sa labi—Paulit-ulit, wa
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-05-25 อ่านเพิ่มเติม