Scarlett’s POVPag-upo ko sa likod ng classroom, pilit kong iniiwas ang mata kay Sir Calisto. Abala siya sa pag-aayos ng slides sa laptop niya sa harap, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya paminsan-minsan—parang laging may sinusuri, laging may binabantayang hindi naman niya sinasabi.Tahimik lang ang buong section. Ang mga kaklase ko, abala sa paglabas ng notes, ang ilan nagkukulitan, pero ramdam kong may ibang tension sa hangin. Siguro dala ng pagod, siguro dala ng stress, o baka ako lang talaga ang hindi mapakali.Nasa tabi ko si Shane at Miza, parehong tahimik, pero palihim akong sinusulyapan. Si Diane naman, nasa likod, paminsan-minsan ay tinatapik ang balikat ko bilang paalala na “andito lang kami.” Kahit anong pilit kong mag-focus sa readings, hindi ko mapigilan ang pag-alala—sa sarili ko, sa kay Sebastian, at sa mga susunod pang araw.“Scar, okay ka lang ba talaga?” mahina ang tanong ni Miza, halos pabulong.Tumango ako, pilit na ngumiti. “Kaya pa, Miz. Salamat.”Bago pa ma
Last Updated : 2026-05-21 Read more