Share

CHAPTER 11

last update Date de publication: 2026-04-03 07:32:14

Quinn Scarlett Laurent’s POV

Pagbaba ko ng e-jeep, naglakad agad ako papasok sa malaking gate ng school. Yes, tabing-kalsada lang naman ito kaya hindi na kailangang maglakad nang pagkalayo-layo.

“Hoy, babaita, andito kami!” hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Lumingon ako sa kanila. Nakita ko si Shane sa tabi ni Diane na nakataas ang kilay habang si Miza naman ay nakasimangot sa akin. Mukhang nagtatampo pa rin ang mga ito, samantalang malaki naman ang ngiti
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 20

    Quinn Scarlett Laurent’s POV“Parang andoon na sila,” sabi ni Diane habang nakatingin sa itaas.Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at doon ko nga nakita ang ilan pa naming mga kagrupo na nakatambay na sa maliit na espasyong inilaan para sa amin sa dulo ng hallway sa second floor. May ilan nang nakaupo sa mga bangko habang ang iba nama’y nakatayo lang sa gilid, tila hindi rin malaman kung saan lulugar sa sikip ng puwesto.“Tara na,” sabi ni Miza at siya na ring unang naglakad.Tahimik kaming sumunod sa kanya. Habang paakyat kami ng hagdan ay mas lalo kong naramdaman ang init ng paligid. Wala pa man kami sa puwesto ay parang gusto ko nang umupo agad at magpahinga.Pagdating namin sa taas ay agad kong nakita kung gaano kaliit ang espasyong sinasabi nila. Isang mahabang mesa, ilang magkakatabing bangko, at bukas na bahagi ng hallway na dinadaanan ng mga estudyante. Sa pinakadulo pa talaga ito, malapit sa hagdan, kaya maya’t maya ay may mga batang umaakyat, bumababa, nagsisigawan,

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 19

    Quinn Scarlett Laurent’s POVPagkababa ko ng e-jeep ay agad akong naglakad papasok sa malaking gate ng school. Mas maaga ako ngayon kumpara kahapon kaya hindi pa masyadong matao sa labas, pero sa loob ay marami-rami na ring estudyanteng naglalakad. May ilan pang naghahabulan habang ang iba nama’y abala sa pagkukumpulan.Agad kong hinanap ng tingin ang tatlo kong kaibigan, at hindi naman ako nahirapang makita ang mga ito dahil nandoon na sila sa ilalim ng malaking puno ng narra kung saan kami tumambay kahapon.“Hoy!” tawag ko sa kanila habang papalapit.Sabay-sabay naman silang napalingon sa akin.“Sa wakas, dumating na rin ang sleeping beauty,” sabi ni Shane habang nakahalukipkip.“Mas nauna pa nga ako sa first subject ko,” sagot ko sabay irap bago lumapit sa kanila.Napangiti naman si Diane nang mapansin ang sapatos ko. “Ay, wow, 2 inches na lang. Very good.”Inirapan ko agad siya. “Manahimik ka.”“Bakit? Totoo naman ah,” natatawa nitong sabi bago ako bahagyang tinapik sa braso.Luma

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 18

    Quinn Scarlett Laurent’s POVKinabukasan ay maaga akong nagising, kahit puyat pa rin ang katawan ko dahil sa dami ng nangyari kahapon. Ngunit mas lamang ang kaba ko para sa second day ng practicum kaya kahit gusto ko pang humiga nang kaunti ay pinilit ko na ring bumangon.Tahimik lang ang bahay nang lumabas ako ng silid. Mukhang maaga nang nakaalis si Mama papuntang palengke, habang ang kapatid ko naman ay malamang abala na rin sa paghahanda para sa sarili nitong pasok. Dumiretso ako sa munting kusina para uminom ng tubig bago bumalik sa kwarto at mag-ayos.Habang nagsusuklay ako sa harap ng maliit kong salamin ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad kong sinilip iyon at nakita kong may incoming video call sa group chat naming apat.Hindi ko napigilang mapangiti.“Good morning, mga babaita,” bungad ko agad nang sagutin ko ang tawag.“Anong good sa umaga?” reklamo agad ni Shane na kitang-kita ko sa screen na hindi pa tapos magkilay. “Parang gusto ko nang umatras sa practicum.”“Arte

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 17

    Quinn Scarlett Laurent’s POVMabilis lumipas ang oras habang pinapanood ko si Sir Sebastian sa kanyang pagtuturo. Hindi ko namalayan na malapit nang matapos ang klase dahil abala akong sinusundan ang bawat galaw niya sa harapan. Maayos siyang magpaliwanag, hindi nagmamadali ngunit hindi rin mabagal. Kapag may estudyanteng hindi agad nakakasagot ay hindi niya pinapahiya, bagkus ay ginagabayan niya ito hanggang sa makuha ang tamang sagot.Sa totoo lang, mas lalo lang akong napahanga habang tumatagal.“Any questions?” huling tanong niya sa klase.Tahimik ang mga estudyante, marahil ay dahil malinaw naman niyang naituro ang lesson.“Then pass your papers by row. Class dismissed.”Agad na nagsiingay ang klase ngunit hindi naman sobra. Isa-isang tumayo ang mga estudyante at inayos ang kani-kanilang gamit. May ilan pang dumaan sa harapan ko at magalang na ngumiti.“Goodbye, Ma’am.”“Bye po, Ma’am.”Bahagya akong napangiti at tumango sa mga ito. “Goodbye.”Tumayo na rin ako mula sa aking kina

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 16

    Quinn Scarlett Laurent’s POVTumango siya nang marahan. “Good.”Akala ko ay doon muna matatapos ang pag-uusap namin, ngunit agad siyang tumingin sa wall clock na nakasabit sa gilid ng kanyang opisina.“Two-fifty,” sabi niya bago tumayo. “We have class.”Napakurap ako at mabilis na inayos ang hawak kong mga papel. “N-now po?”“Yes,” diretso niyang sagot. “Section Emerald.”Mabilis akong tumango. Wala na yata talaga akong choice kundi ang sumunod agad. Kinuha niya ang class record at lesson materials sa ibabaw ng kanyang mesa, saka isinabit muli ang kanyang ID lace.“Come with me, Miss Laurent.”“Opo, Sir.”Tahimik lang akong sumunod sa kanya palabas ng kanyang opisina. Paglabas namin sa library ay agad kong naramdaman ang panibagong kaba. Kanina ay kinakaya ko pang sabihing baka namamalikmata lang ako, ngunit ngayong magkasama na kaming naglalakad patungo sa classroom, wala na talagang kawala.Naririnig ko ang tunog ng sapatos naming magkasabay na humahakbang sa hallway. Tahimik siya,

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 15

    Quinn Scarlett Laurent’s POVMuli na namang bumigat ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.Pinaglaruan ko ang dulo ng aking ID habang iniiwas ang tingin sa kanya. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap, ang magpanggap na kalmado o ang pigilan ang kaba na unti-unting umaakyat sa dibdib ko.“Miss Laurent.”Agad akong napatingin sa kanya. “P-po?”Bahagya siyang yumuko at may kinuha mula sa ibabaw ng mesa. Isang malinaw na envelope iyon na may lamang ilang papel. Pagkatapos ay tumayo siya at umikot sa gilid ng mesa.“Come here,” kalmado niyang sabi.Parang biglang natuyo ang lalamunan ko.“Po?”“Your schedule,” sabi niya habang bahagyang itinataas ang hawak na papel. “I-eexplain ko sa’yo.”“Ah... yes, Sir.”Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Ngunit paglapit ko ay hindi ko alam kung gaano kalapit ang dapat kong itayo, kaya medyo alanganin tuloy ang puwesto ko sa tabi niya.“Closer,” maikli niyang sabi habang nakatingin pa rin sa papel.Lihim akong napalunok ba

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status