Sa kabilang banda, tahimik ang loob ng bahay ni Mike Virelli—isang katahimikan na hindi nagbibigay ng kapayapaan kundi kaba. Sa loob ng silid, nakaupo si Amara sa gilid ng kama, nakatingin sa wala, ngunit sa loob ng isip niya ay magulo. Parang may mga piraso ng alaala na pilit naglalaban—mga mukha, mga boses, mga lugar, at mga emosyong hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling. At sa gitna ng lahat, isang pangalan ang paulit-ulit na bumabalik sa kanya, parang bangungot na ayaw siyang tantanan.“E… Ethan…” mahina niyang bulong, halos punit na boses.Napahawak siya sa ulo niya. Masakit na naman. Parang may humahati sa loob ng isip niya tuwing pilit bumabalik ang alaala. Simula nang mangyari ang aksidente, iyon na ang palaging kasama niya—sakit ng ulo, pagkahilo, at matinding kalituhan. Sa tuwing mangyayari iyon, palaging may gamot na ibinibigay si Mike.“Take this, Isabel,” palagi nitong sinasabi, malamig ang boses pero may pilit na kontroladong lambing.At siya naman—umiinom. Wala
Dernière mise à jour : 2026-04-18 Read More