Sa sala, si Jayden ay nakaupo sa carpet, masayang naglalaro ng blocks kasama si Ethaniel. May halakhakan ng mga bata, may simpleng saya na parang walang problema sa mundo.“Niel, tingnan mo! Gawa ko bahay!” masiglang sabi ni Jayden.“Ang galing mo, Kuya Jayden!” sagot ni Ethaniel habang pumapalakpak.Ngumiti si Jayden nang malapad, yung ngiting walang bakas ng takot o sakit—yung ngiting tanging bata lang ang kayang magbigay.Pero sa likod ng mga tawang iyon, malamig pa rin ang hangin.Si Ethan ay nakaupo sa sofa. Nasa harap niya ang laptop, bukas, may mga dokumentong kailangang tapusin, pero hindi niya ito tinitingnan. Ang mga mata niya ay nakatutok sa mga bata, pero ang isip niya ay malayo.Parang katawan lang niya ang nandito, pero ang emosyon niya ay nasa ibang lugar.May isang kamay siyang nakapatong sa armrest, mahigpit. Parang kahit tahimik ang paligid, may tensyon pa ring pilit niyang kinokontrol sa sarili niya.Sa kusina, si Amara ay tahimik na naghuhugas ng pinggan. Isa-isa,
Dernière mise à jour : 2026-04-15 Read More