Matapos ang ilang taong pagdurusa, mga tampuhan, at mga hindi pagkakaunawaan, ngayon sila ay magkatabi sa kama, parehong bukas na sa muling pagsisimula. Si Amara, bagamat ramdam ang kaligayahan na tapos na ang kanilang problema, ay hindi maalis sa kanyang puso ang lungkot. Ang pagkamatay ni Manang Teresa, na itinuring niyang pangalawang ina, ay nag-iwan ng marka sa kanyang puso. Humihinga siya ng mabagal, unti-unting sinusubukang kontrolin ang mga luha, habang mahigpit na nakayakap kay Ethan. Marahang hinaplos ni Ethan ang buhok nito. "Amara,” bulong niya. “Nandito na ako.” Napahinto si Amara at tinitigan siya. Ang tinig ni Ethan, mabagal at malambot, ay tila musika sa kanyang tenga. “Talagang hindi mo ako sasaktan uli, di ba?” mahina niyang tanong, at ramdam ang kaba sa kanyang boses. Ang kanyang mga mata ay basa sa luha, ngunit may liwanag ng pag-asa na unti-unting sumisilip. Ngumiti si Ethan, isang maliit ngiti. “Hindi, Amara. Pangako ko sa’yo—hindi na mauulit ang mga
Dernière mise à jour : 2026-04-21 Read More