Isang buwan na lumipas.isang umaga, habang natutulog pa ang lahat, biglang napanginginig si Amara. Isang matalim na kirot ang sumabog sa kanyang tiyan, dumadaloy sa bawat ugat ng katawan niya, parang sinasabing may hindi pangkaraniwang nangyayari. Napahawak siya sa tiyan, pilit pinipigilan ang sakit, ngunit hindi na niya mapigilan ang pag-iyak.“Ahhh…” napaluhod siya sa gilid ng higaan, bawat hininga ay pilit kinokontrol, bawat tibok ng puso ay sumisigaw sa bawat paggalaw ng kanyang katawan. Agad siyang bumangon at naglakad patungo sa banyo, bawat hakbang ay mabigat, halos tumitigas ang tuhod sa sakit. Pagdating sa banyo, hindi na niya napigilan—sumuka siya, halos mawalan ng lakas, at sa gitna ng pag-ubo, naramdaman niya ang malambot at mahinahong kamay na humaplos sa kanyang likuran.“Amara…” mahina ngunit puno ng pag-aalala ang boses ni Ethan mula sa likod.Napalingon siya, at doon nakita si Ethan, nakayuko sa kanya, mata’y punong-puno ng kaba at pagmamahal. “Are you okay, wife?”
Last Updated : 2026-04-21 Read more