Maaliwalas ang umaga. Sumisilip ang sikat ng araw sa malalaking bintana ng bahay, nagbibigay liwanag sa bawat sulok—parang sinasabing panibagong araw na naman, panibagong simula. Sa sala, maririnig ang halakhak—isang tunog na matagal laging narinig sa bahay na iyon. Masayang tumatakbo si Amanda sa gitna ng sala, hawak ang maliit niyang stuffed toy habang tumatawa nang walang tigil, habang sa likod niya ay si Mike na ngumingiti at tumatakbo rin, kunwaring nahihirapang abutin ang bata. “Daddy! Daddy! Hulihin mo ako!” “Hey, wait! Ang bilis mo naman!” “Hindi mo ako mahuhuli!” At sa isang iglap, nahuli siya. Marahang binuhat ni Mike ang bata habang tumatawa ito nang malakas, yakap-yakap ang leeg nito. Isang totoo at bihirang tawa ang kumawala mula kay Mike—isang side niya na bihirang makita ng kahit sino, lalo na ni Amara. Sa sandaling iyon, parang walang bigat sa mundo. Parang lahat ay simple. Parang lahat ay tama. Sa gilid ng sala, tahimik na nakatayo si Amara, may hawak na tasa
Dernière mise à jour : 2026-04-16 Read More