Sa loob ng silid na iyon, walang ibang umiiral kundi paghihintay.At pag-asa.Sa tabi ng kama, naroon si Ethan.Nakaupo.Nakayuko.Nakaidlip pero hindi talaga tulog.Yung klase ng pagod na kahit ipikit mo ang mata mo, mananatiling gising pa din ang diwa. Namumula ang mga mata niya, halatang ilang gabi nang hindi natutulog nang maayos. Maputla ang balat, at ang bawat galaw ng katawan niya ay mabigat, parang may nakadagan na hindi nakikita.Parang hindi na siya taong pagod lang.Parang tao na ubos na, pero pinipilit pa ring tumayo.Ilang araw na siyang ganoon.Hindi umaalis.Hindi nagpapahinga.Kahit pilitin siya ng doktor.Kahit pakiusapan siya ng mga nurse.Kahit sabihin ng lahat na kailangan niya ng tulog.Hindi.Dahil para sa kanya, isang segundo lang na mawala siya sa tabi ni Amara ay sapat na para matakot siya sa posibilidad na hindi na siya makabalik.Na kapag bumalik siya, wala na.At hindi niya kayang tanggapin iyon.Hindi ngayon.Hindi pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila.
Last Updated : 2026-04-25 Read more