Althea Malamig pa rin. Pero mas sanay na ako ngayon. Hindi katulad noong unang dating ko sa Canada na parang hinihigop lahat ng lakas ko sa bawat ihip ng hangin. Ngayon, natutunan ko nang huminga kahit masakit. Tahimik akong nakaupo sa maliit na dining table sa bahay ni Tita Lucia habang hinahalo yung mainit na gatas sa tasa ko. “Hindi ka na naman nakatulog?” tanong niya habang inilalapag yung plato ng tinapay sa harap ko. Ngumiti ako nang mahina. “Konti lang.” Hindi totoo. Halos wala. Kasi bawat gabi, may parte ng utak ko na hindi tumitigil. Si James. Paulit-ulit. Yung boses niya. Yung itsura niya noong huling beses kaming nagkita. Yung sakit sa mata niya. Parang kahit anong gawin ko, hindi siya nawawala sa isip ko. Napapikit ako nang mariin bago humigop ng gatas. Kailangan kong tumigil. Kailangan ko. Pero kahit sabihin ko pa ‘yan sa sarili ko araw-araw— hindi sumusunod yung puso ko. “Althea,” mahinang tawag ni Tita Lucia. Napatingin ako sa kanya. Parang alam na
Last Updated : 2026-05-16 Read more