Janessa POVBumaba ako sa ibaba. Bago matulog si Tita Merbella, gusto kong malaman kung ano bang gagawin ko ngayong gabi?Paano ko babantayan si Uncle River, matutulog pa ba ako o hindi na?Kasi sa lagay nito ngayon ay alagain pa rin talaga. Bumababa naman ang lagnat nito kapag nakakainom ng gamot, pero tumataas pa din kapag lumaon. Manong baba, manong tataas. Kaya hindi rin talaga mawala-wala ang pagkahibang niya.“Tita, babantayan ko po ba siya magdamag?” tanong ko na sa kaniya nung harapin ko siya.“Janessa, mas malala kasi sa unang gabi ang lagnat niya, kaya, oo, kailangan pa rin niya ng bantay. Pasensya ka na ulit at pasuyo na lang, need na need pa rin niya talaga ng mag-aalaga, lalo na ngayong gabi,” pakiusap ni Tita kaya wala na rin akong nagawa kundi pumayag na lang.“Maglalatag na lang po siguro ako ng kutson sa gilid ng kama niya, para kapag kailangan niya ako, mabilis na lang po akong magigising,” paalam ko sa kaniya.“Iyan nga rin ang sasabihin ko sana sa iyo,” nakangiti n
Last Updated : 2026-04-09 Read more